SAWADEE KHUP!!!
AN: Sorry sa matagal na update, busy po sa pag-aaral. Minsan lang makapag encode ng update dahil sa tambak na requirement. Thank you po sa mga support and appreciation. ️♥️♥️♥️
Sa pagpapatuloy...
Kier bilisan mo na, malelate tayo. Para ka namang babae kung kumilos.
"Wow ha Kai, mabagal pa ba to para sayo? Sige tara na di na ako magdadamit ganito na ako na pupunta sa school!" Inis na sabi ni Kier.
Magdamit ka na nga, sinabi ko bang nakatapis kang pumunta?
"Nag-aapura ka kasi eh. Tingnan mo oh ang aga pa naman. Kung ginising mo sana ako agad, at di na tayo nagpuyat, eh di sana nakaalis na tayo."
Sige magsalita ka pa hahalikan kita diyan, at nahiga nalang ako habang hinihintay ko si Kier. Si Kier na masasabi ko nang akin. Si Kier na mahal ko na. Nanahimik naman ito at mabilis na nagbihis at nag ayos ng sarili niya.
Simula noong gabi na sinubukan kong patunayan ang nararamdaman namin sa isat' isa ay naging sobrang malapit na kami nito. Di na nga kami halos mapaghiwalay eh. Dito na rin siya natutulog sa kwarto ko. Halos oras-oras kung maglambingan, magkulitan na minsan nauuwi sa mas matinding tagpo.
Ngayon nga ay nagmamadali ako dahil Recognition namin sa school at student's night rin. Excited lang akong tingnan ang ranking ng aming klase pati ng buong grade 9. Simula una pa lang kasi, ang manguna sa klase lang naman ang lubos na nagpapasaya saakin. Sana nga magawa at mapanatili ko pa yung record ko sa school kahit may pinagkakaabalahan na akong ibang bagay sa ngayon.
"Oh, ang lalim ata ng iniisip mo diyan, kanina pa ako nakatayo dito Kai, di mo ba ako napansin?" Kunot noo na tanong ni Kier.
Ahh, eh... tara na?
"Ikaw tong nagmamadali tapos tatanungin mo ako kung tara na? Yung totoo ayos ka lang Kaizzer?"At inilapit niya pa ang kanyang mukha saakin.
Hindi ko na sinayang ang pagkakataon at mabilis ko siyang dinukutan ng halik bago tumayo. Tara na Kier!
"Kahit kalian ka talaga, pag ako gumanti lagot ka sakin," ang kinikilig na sambit ni Kier tyaka sumunod sa kasintahan nito.
Ang dami mong sinasabi, gawin mo kasi. Bilis na malelate na tayo.
"Yes Boss!" Ang nagmamaktol na sagot nito sa kausap tapos ay pumasok na sa sasakyan.
Mabuti na lamang ay napakiusapan ko si Manung Driver na ako nalang magmaneho. Gusto ko kasing masulit ang araw na to kasama yung tao na nagpapasaya sakin. Gusto ko na sa araw na ito ay maraming ala-ala ang mapagsaluhan naming ni Kier.
Agad na pinaandar ni Kai ang kotse at binayabay ang daan patungo sa kanilang eskwelahan. Habang nasa daan ay tahimik lang ang dalawa, walang nag-uumpisang magsalita. Hanggang sa di na natiis ni Kier ang namumutawing katahimikan sa loob ng sasakyan.
"Hindi ba nakakahiya ang party sa school?"
Bakit mo naman natanong yan?
"Eh kasi parang kinakabahan ako sa party mamaya."
Yun lang ang dahilan ng kaba mo? Ikaw talaga Kier para kang bata. Bakit ka naman mahihiya eh andito naman ako at ang tropa. Marami naman kaming makakasama mo ah.
"Oo alam ko yun pero, iba parin kasi kung di mo sanay diba?"
Basta huwag kang kabahan diyan ako bahala sayo mamaya, okay?
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
DragosteLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...