Rivals to Lovers: 11

5.9K 130 2
                                    

Kasalukuyan akong tutok sa pagrerebisa ng aming mga pinag-aralan dahil first quarter test na naming sa darating na lunes. Buti na lamang at sabado pa lamang ngayon at may ample time pa ako para ikabesa ang lahat. Ayaw ko talaga ang may hindi ako alam sa mga test lalo pa kung written examination. Wala sa bocabulary koang bahala na at guess answers. As much as possible inaalam ko ang mga possible na lalabas sa mga written exams.

Kasama namin ngayon ang mga katulong namin dito sa bahay nila Kaizzer. Pinagpapasalamat ko rin ito dahil kahit papaano ay may makakausap ako. Hanggang ngayon kasi ay umiiwas parin ako kay Kaizzer. May mga pagkakataong nagkakasalubong kami at nagsasabi ito ng "Hi" at nginingitian ako pero umiiwas ako sa kanya. Oo, matagal ko nang gusto na magkamabutihan kami nito lalao na rin na sa kanila ako nakatira kaso nga lang natatakot ako na baka mapasama kami pareho kapag magkaroon kami ng attachment sa bawat isa. Isa pa, ayoko na maulit ang nangyari sa amin ng gabing lasing ito.

"Oh Kier, kapag may kailangan ka ha sabihan mo lang kami. Tulungan ko lang magsampay si ate Aida mo." Ito ang sabi ni ate Teresa nang madaanan ako nito sa sala.

Opo ate salamat po, tapos ay nginitian ko siya. Ang bait ng dalawang katulong naming ditto sa bahay saying nga at weekend lang sila andito. Sila rin ang kakwentuhan ko tuwing di na sila busy sa kanilang mga ginagawa.

Ilang oras na rin akong nagrereview. Alas dies na pala kaya ramdam ko na ang gutom. An gaga ko kasing gumising kanina para mag-ayos sa kwarto at ilabas ang mga marumi kong damit. Tinulungan ko na rin sila Ate Teresa na maglinis at magtapon ng basura habang medyo madilim pa kanina. Tanging isang basong gatas lang pala ang nailagay ko sa tiyan ko simula kaninang 7:00 ng umaga bago ako magreview.

"Kumusta ang pagrereview?" Napalingon ako ng marinig ang boses ng nagsalita mula sa likuran ko. Abala kasi ako sa paggawa ng sandwich.

Matapos ko siyang lingunin upang tingnan ay bumalik na ako sa ginagawa ko. Wala akong pakialam kahit malawak ang ngiti niya.

Babalik n asana ako sa sala para doon na ako kumain habang nagrereviewkaso nasa kinatatayuan niya pari ang taong kanina pa pala ako pinagmamasdan at nakangiti parin ito. Akala niya siguro ay madadaan niya ako sa pangitingiti niya. Ang ginawa ko ay sa kabilang side na ako dumaan. Mabilis naman itong humarang kaya nainis ako. Problem nito?

Inaano ka ba? Singhal ko sakanya.

"Bakit di ka namamansin? Pasalamat ka nga ako na itong nakikipagusap sayo." May pangaasar na saad nito.

Nanatili akong tahimik at nakatingin sa ibang direksiyon. Sabi nga nila kung wala kang magandang sasabihin ay tumahimik ka na lang. Pero may katigasan nga talaga ng ulo ang isang to dahil hindi parin lumalayas sa dadaanan ko. Alam ko na, sa kabilang side ulit ako dadaan. Tinalikuran ko na ito para sa kabilang side na dumaan.

"Look Kier, ano ba ang kasalanan ko sayo? Sabay nitong hinawakan ang balikat ko. Dahil rito ay inilapag ko muna ang mga dala kong pagkain at hinarap siya. Pinili ko parin na di nalang magsalita kaya medyo makikitaan mo siya ng pagkaasar.

"Kalian ka pa napepe Kier huh? Inis nitong sabi. "Baka naman gusto mo uli na halikan kita para ibuka mo ulit iyang bibig mo. Ano ha!" At inilapit niya ang mukha niya saakin kaya napaatras ako.

Please lang huwag mo nalang akong kausapin, simple kong tugon na may mahinahong tinig. Kinuha ko na rin ang pagkaing hinanda ko at ang baso ng juice at humakbang palayo sa kanya. Kinuha ko ang pagkakataon na lumakad habang nakatulala ito matapos akong magsalita.

"Kung galit ka sa lahat ng mga pagsusungit at mga ginawa ko sayo, sorry na." gusto ko lang naman sanang magkaayos na tayo. Alam kong nagging masama ako sayo simula nung una palang pero sana bigyan mo ako ng chance para makabawi sayo."

Rivals to Lovers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon