This is the next and I hope you'll love it. Mwaahhhhs!
"Babe sorry ha kung di kita naasikaso in the past days. Masyado lang kasi akong busy with our requirements, (parang si kuya Anthonymous kaya matagal mag-update)" intrada ni Evan sabay yakap kay Kier mula sa likuran nito,
"It's okay Evan," mahinang sagot ni Kier.
"Pasensiya kana talaga ha. Dibale kapag na settle ko na ang mga requirements ko sa mga subjectys ay babawi ako sayo."
Tumango lang si Kier. Kumalas naman ng pagkakayakap si Evan at nag-iwan ng halik sa batok ni Kier bago tinungo ang sala upang muling harapin ang ginagawa nito sa kanyang laptop. Hanggang ngayon ay may mga requirements parin siyang kailangan tapusin.
Ilang araw narin ang lumipas mula nang malaman ni Kierang mga bagay bagay na matagal na ikinubli ng panahon. Wala parin siyang nababanggit kay Evan tungkol sa nangyari sa kanya noong araw na malaman niya ang lahat sa kanyang pagkatao. Gustuhin niya mang ikwento pero nag-aalangan siya dahil baka mabigla si Evan lalo pa at konektado si Kaizzer sa mga nangyayari .
Samantala, si Evan, kahit may kakaibang napapansin kay Kier ay nanatili parin siyang tahimik. Iniintindi niya na lamang ang kung ano mang nararamdaman ng kanyang minamahal. Isa pa, wala rin siyang gaanong panahon para usisain pa ang kung ano mang bumabagabag kay Kier dahil nga rin sa tambak niyang mga gawain sa kanyang pag-aaral. Dati rin naman kasing ganyan si Kaizzer kapag may pinupokus na isipin, inakala niya na lamang na may kinakabisa itong lesson para sa exam. Ang di alam ni Evan ay kusa niya palang matutuklasan ang dapat niyang malaman.
Kier's POV
Simula noong nalaman ko ang mga bagau na sinabi sakin ng mommy ni Kaizzer ay di ko na maiwasang mag-isip at magtanong sa kawalan. Hindi ko alam bakit bigla nalang nag-iba ang pananaw ko sa buhay.
Pansin kong nakakaramdam na si Evan sa mga ikinikilos ko pero pinipili niya lang manahimik at mag focus muna sa kanyang pag-aaral. Ilang araw na rin kaming hindi gaanong nag-uusapng kagaya ng nakasanayan namin gawin tuwing wala kaming ginagawa. Ewan ko ba kung bakit parang gusto ko lang mapag-isa at mag-isip. Gusto kong maintindihan ang lahat.
Ngayon nga ay pareho kaming umuwi ng maaga galing sa school. Walang kibuan pauwi. Kanina ay pinili kong maupo sa backseat kahit pinipilit niya akong samahan siya sa harap. Sa daan ay tahimik lang kaming dalawa. Hanggang nakauwi kami ay nakatanaw ako sa labas ng sasakyan at tinitingnan lang ang bawat dadaanan namin. Tanging tugtog mula sa stereo ng sasakyan ni Evan ang namumutawi sa loob ng kotse. Para ngang sumasabay ang tugtog sa nararamdaman ko dahil ang naka play ay ang version ni Michael Pangilinan ng "Everything I own".
Halos tinatamad na rin akong mag review ng mga lessonat mag advance study dahil nga sa kakaisip ng kung ano ano. Kulang nalang siguro di na ako maligo at kumain tapos magpalakad lakad sa labas at pagkakamalan na akong baliw. Ano ba kasing nangyayari sakin? Bakit ang hirap naman atang dalhin ang ganitong pakiramdam.
"Kier?" Tawag ni Evan.
"Bakit?" Tanog ko naman.
Si Evan ay seryoong naglakad papalapit sakin bitbit ang aking cellphone. Hindi ko pa man alam ang dahilan ay kinutuban na ako. Parang may kakaiba. Parang may kung ano siyang sasabihin sa akin.
"Sabihin mo nga sakin Kier, may sineskreto ka ba sakin? Deritsong tanong ni Evan. "Ma di ka ba sinasabi saking nangyari Kier?" Segunda nito na may mas maautoridad na boses. At iniharap niya sakin ang text message na nasa cellphone ko.
"Kier naman, diba sabi ko naman sayo magsabi ka lang kung may problema? Eh ano ang ibig sabihin nito, ha!"
Natahimik ako di ko alam kung ano sasaabihin ko at kung paano ako magsisimulang magpapaliwanag.
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...