Oh Nay, bakit po kayo nag eempake? nagtatakang tanong ni Kier nang madatnan nito ang inang abala sa pag babag ng kanilang gamit.
"Lilipat na tayo ng tirahan anak at kailangan na nating umalis agad," sagot ni Aleng Marta.
Eh nay bakit po? May pagtataguan po ba tayong tao? Paano po yung pag aaral ko? Alam ba to ni tatay? Sunod sunodna tanong ng binata sa ina nito. Bakas sa mukha nito na naguguluhan at tila nabigla sa pangyayaring nadatnan.
"Ikaw naman anak, ang OA mo mag react. Ano bang mga tanong yan. Syempre wala tayong iniiwasang tao. Ang totoo niyan lilipat tayo sa mas maginhawang tahanan. At isa pa, lilipat ka na rin ng skwelahan Kier. Sa pribado at mas kilalang paaralan," paliwanag ng ina.
Eh nay bakit nga po?
Di niyo naman ako sinasagot eh.
Si Kier na nagkakamot na ng likod ng kanyang ulo at lumapit sa mga bag na nakatambak sa gilid ng kanilang pintuan."Maupo nga muna tayo iho at pakikuhanan mo muna ako ng tubig." Agad namang tumalima si Kier.
"Eh kasi anak, doon na tayo titira sa bahay nila Mrs. Zandoval. Dalawa lang naman kasi sila ng kanyang bunsong anak sa bahay nila at dahil kailangan niya ring bumalik sa Dubai para asikasuhin ang negosyo nila doon. Naiisip niya umano na doon na rin tayo para may kasama yung bunsong anak nila. At alam mo anak kasing gwapo, kasing talino at magkaedad pa ata kayo." Masayang pagkakasabi ng ina nito na tila excited pa kaysa sa anak nito.
Ahh ganun po ba? Si Kier na halos hindi parin maiproseso ang sinabi ng ina ay kung ano ano na ang tumatakbo sa isipan.
Mayamaya pa ay natapos na rin ang kanilang pag iimpake. Sakto naman ang pagdating ng sasakyang susundo sa kanila.
Habang nasa daan ay maraming tumatakbo sa isipan ni Kier. Di nia rin maintindihan kung bakit parang kinakabahan siya.
Dahil sa pag iisip ay di nito namalayan na nakatulog na pala ito.
.
.
.
.
Kier anak gising! Gising na andito na tayo... si aleng Marta na niyuyogyog ang pinakamamahal na anak. Ang tila naalimpungatan na binata ay pilit namang bumangon at lumabas ng sasakyan."Ang ganda naman, ng bahay nila!" Ang napapangangang si Kier pagkababa ng sasakyan.
"Anak! Halika na." Pagtawag ni Aleng Marta. Agad namang tumalima ang binata at lalong lumakas ang kaba nito at di niya maintindihan kung bakit.
Marta!Nagagalak na salubong ni Mrs. Zandoval nang iniluwa ito sa sa malaking pinto. Buti naman at dumating na kayo... yan na ba si Kier? tanong nito nang dumako ang tingin sa binatang nasa likod ni Aleng.
" Oo maam, " nakangiting sagot ni Aleng marta.
"Bakit ganun siya magtanong kay nanay? Kilala niya ba ako, o di kaya nakita na niya ako noon?" Ito ang mga katanungan na umiikot sa ulo niya habang papasok sila sa loob.
Napatigil nalang sa pananahimik si Kier ng masulyapan niya ang isang binata na kasing edad niya siguro na nagmamadali pababa ng hagdan. Maingay kasi ang mga paa nito kaya sino nga ba ang di lilingon. Pati halos ang lahat ay napatingin sa kanya.
"Oh anak buti bumaba ka na!" Masayang baling ng ina nito sa kanya.
Pilit na ngumiti ito sa kanyang ina at muling ibinaling ang tingin kay Kier. Tingin na animoy nangingilatis at may talim. Lalo tuloy kumabog ang dibdib ng ating bida.
"Anak samahan mo si Kier sa kwarto niya.O sige Kier sundan mo na si Kaizzer. -Mrs. Zandoval
Tulungan ko lang si Nanay Tessy sa kusina. Pagkatapos mo ayusin mga gamit mo pakibuhat nalang yung bag ko sa kwarto namin ni Nanay Tessy." Dagdag ni Aleng Marta sa sabi ni Mrs. Sandoval.
Naunang umakyat si Kaizzer. Hindi manlang nagsalita at nagpakilala. Agad namang sumunod ang binata na kanina pa nakakapansin sa asim ng ugali ng anak ni Mrs. Zandoval.
Pagkarating sa taas...binuksan niya ang kwarto na may kaharap ring isa pang kwarto.. "Diyan ang kwarto mo." Seryosong sabi ni Kaizzer habang nakatitig kay Kier pagkatapos ay agad na pumasok sa kaharap na silid.
"Tsk tsk tsk" tanging naging tugon ni Kier ng sumara ang kabilang pintuan. Pumasok na rin siya sa kwarto niya.
A/N: Sana po naguatuhan niyo. Kayo na po bahalang humusga. Salamat. Thanks for reading this story!♥️♥️♥️
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomantizmLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...