Rivals to Lovers: 40

2.2K 57 16
                                    

"Hello Ellison, kumusta ka? unang bati ni Kaizzer mula sa kabilang linya. Naisipan niya kasing tawagan si Ellison para kausapin ito tungkol sa relasyon nila. Yung relasyon nilang naging malabo na at hindi na kayang panindigan ni Kaizzer.

"Tumawag ka ba para sumbatan ako? Para sabihin mong tapos na tayo, ha Kaizzer?" sunod-sunod na mga dudang tanong ni ellison.

"Ellison, please listen. Bakit ka ba kasi nagkakaganyan? Pwede bang kumalma ka naman saglit, masyado kang praning mag-isip." balik ni Kaizzer dito na halatang naiinis na sa kausap.

"Come on Kaizzer, huwag na tayong magplastikan. Eh ano pa nga ba ang dahilan para tawagan mo ako? Hindi ba't yun din lang naman ang sasabihin mo, ipapamukha mo lang sakin na masama ang ugali ko dahil pinagtabuyan ko si Kier, diba? Inuunahan lang kita Kaizzer. Alam ko naman na wala ka nang pakialam saakin dahil tapos na ang role ko sa buhay mo, tapos mo na akong gamitin para pagtakpan yang deep-seated desire mo kay Kier na ayaw mong aminin dahil sa pride mo." mahabang panunumbat ni Ellison sa kanyang kausap.

"Okay fine! Kung ganyan ka rin lang naman pala ka advance mag-isip, we're done! Alam mo Ellison masyado kang nilalamon nang walang kwenta mong galit. You've changed a lot. Akala ko pa naman mabuti kang tao, hindi pala. You're a great pretender dude! Just so you know, tumawag ako para makipag-usap ng maayos tungkol sa mga nangyari at sa mga problema ninyo ni Kier, kasi you can't deny na magkapatid parin kayo. Why can't you just accept the situation, diba matalino ka naman? Alam mo, gustong-gusto kang makausap ni Kier. He want to reconcile with you. Gusto niyang magsorry kahit alam ko naman na alam siyang kasalanan. Pero Ellison, ikaw itong masyadong nagmamatigas. I just hope you've realize the things that you need to." mahabang litanya ni Kaizzer na medyo tumaas ang boses dahil sa inis sa kanyang kausap.

"Wow! Look whose talking? Nakakahiya naman sayo Kaizzer. Makapagsabi ka sakin tungkol sa ugali ko eh parang hindi malademonyo ang itinatago mong ugali. Sa mga sinabi mo, isa lang ang naintindihan ko, isa kang malaking hipokrito. Alam kong kahit ano pang explanation ang sabihin ko sayo alam kong di mo ako pakikinggan dahil si Kier lang ang laman ng utak mo ngayon. Well, magsamasama kayo! Ito lang ang tandaan mo Kaizzer, may araw karin, may araw din kayong dalawa ni Kier!" pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay agad niyang ibinaba ang tawag.

"Oh Kai, bakit ganyan ang mukha mo. Kumusta ang naging pag-iusap niyo ni Ellison?" nagtatakang tanong ni Kier nang datnan niya si Kaizzer na tila may malalim na iniisip.

"Ah wala to Kier, I'm okay. Hindi siya nakipag-usap ng maayos. Mukhang galit na galit parin hanggang ngayon." pagdadahilan niya.

"Ganun ba? Ano pa kaya ang pwede nating gawin para pumayag na siyang magkaayos-ayos tayo."

"Talagang matigas ang ulo niya. Masyado siyang mapride, hayaan mo na siya Kier. Ang mahalaga sinabi ko na sakanya na tapos na kami. Ayaw naman niya kasing makipag-usap ng maayos." naiinis na sagot ni Kaizzer dahil naaalala niya ang sinabi ni Ellison.

"Ano pa kaya ang pwede nating gawin Kaizzer?" tanong ni Kier.

"Hayaan mo na muna Kier, lilipas din siguro yang galit niya. Isa pa siya naman kasi 'tong problema kasi ayaw niyang makipag-ayos. Alam mo mas mabuti pa, tumabi kana dito para matulog na tayo. Let's forget those shitty things muna babe! Okay? Let's enjoy the night oh, ang sarap matulog. Halika na!" sabay hatak kay Kier palapit sa kanya.

Rivals to Lovers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon