Rivals to Lovers: 19

4.5K 111 27
                                    

Hello Everyone! How are you all? Pasensiya sa mga naghihintay... mag-ingay naman po sa comment box yung mga nagbabasa nito, para ganahan po ako...haha. Anyway ito na yung sunod na chapter.

Sa pagpapatuloy...

"Ano ba Evan, bitawan mo nga ako. Ang sakit ng hawak mo, kaya kong maglakad mag-isa," reklamo ni Kier habang naglalakad sila papasok ng bahay nila Evan.

"Wala akong pakialam Kier! Simula ngayon ay di ka na pwedeng lumabas nang di ako kasama," seryosong banta ni Evan at mas hinigpitan ang pabhawak sa braso ni Kier.

"Kung ayaw mong maniwala sa sinasabe ko, pwes bahala ka, pero di ako papayag na kontrolin mo ang buhay ko Evan!" Matapang na sagot ni Kier.

Biglang  hinatak ni Evan ang kwelyo ng damit nito. Parang kakain ng tao, ang mga mata nito na animo'y handang mangagat anumang segundo ay nanlilisik.

"Bakit sa tingin mo , kokonsentihin pa kita. Akin ka lang! Walang sinuman ang pwedeng umagaw sayo, dahil akin ka lang! Maliwanag?" Muling banta ni Evan.

Si Kier na tila nairita sa inaasta ng kasintahan ay biglang sinampal si Evan. Mabilis na tumama sa kaliwang pisngi ni Evan ang mga palad nito dahilan para mas lalong  magalit si Evan.

"Gago ka pala eh!" Sabay bitaw ng sapak kay Kier. Si Kier na di inaasahan ang mabilis na kamay ni  Evan ay nabulagta sa damuhan ng kanilang at bahagya itong nabingi at nahilo.

Kasing bilis ng pagkatumba ni Kier ay ang pagpatak ng  kanyang mga luha dahil sa sakit at di inaasahang gagawin sa kanya ni Evan. Ito kasi ang  unang beses na pinagbuhatan ng kamay  ni Evan si Kier kaya di siya lubos makapaniwala na magagawa ito  ng kanyang boyfriend. Nanatili siya sa damhan ng garden sa labas ng bahay nila Evan at umiiyak na may halong galit. Bigla siyang nakaramdam ng galit sa kanyang boyfriend.

Si Evan naman ay nagulat rin sa nagawa kay Kier. Hindi niya rin nakontrol ang sarili dala ng sobrang galit. Akmang yayakapin niya sana si Kier para humingi ng tawad at akayain ito pero...

"Huwag mo akong hawakan Evan..." at mabilis itong tumakbo palabas ng gate habang ang kanyang mga mata ay patuloy na lumuluha.

"Kier I'm sorry, please sorry di ko sinasadya." Sigaw niya habang tumatakno para habulin si Kier.

Patuloy lang sa pagtakbo si Kier ngunit mabilis naman si Evan kaya naabutan niya ito. Sa isang bench sa loob ng isang waiting shade sa compound ng Village na kanilang tinitirahan ay hinatak ni Evan si Kier paupo.

"Bitawan mo ako Evan!" Bulyaw ni Kier.

"Sorry na Kier, ayaw ko lang naman na mawala ka sakin eh, di ko kaya na mawala ka," sumamo ni Evan.

Rivals to Lovers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon