"Another wonderful day! Thank you lord for waking me up! Si Kier, na kababangon at nagiinat ng katawan habang pahikab-hikab.
Naku mag aalas 8 na pala! Pagmamadali nito nang dumapo ang kanyang paningin sa orasan malapit sa pintuan ng kanyang kwarto.
Kaya dalidali itong bumangon mula sa kanyang higaan at mabilisang inayos ang kumot at mga unan pati na ang banig nito. Pagkatapos ay mabilis itong lumabas upang maghilamos at mag sipilyo.
Hayyy, naku magisa na naman ako....kunwari'y malungkot na sabi nito sa sarili ng madatnang tahimik na naman ang kanilang munting tahanan. Naiwan na naman itong mag isa. Tila hindi pa siya sanay sa ganitong kaganapan sa kanilang pamilya tuwing umaga.
Si nanay naman hindi manlang ako ginising ng maaga. Hindi tuloy ako nakasama sa kanya, nangangalumbabang bulong ni Kier sa sarili habang nakaupo sa gawa sa kawayan nilang sala set. Makapaglinis na nga lang. Pero wait let's turn on the speaker first.
Agad namang tumugtog ang paborito nitong dance music na " Perfect Strangers" by Jonas Blue.
Habang paikot ikot sa pag pupunas, pagwawalis at pagaayos ng mga kalat sa kanilang tahanan ay subasabay sa ritmong tugtog ang katawan ng ating bida.Nakakagana talaga gumawa ng gawaing bahay pag may tugtog.
Tuloy lang sa pag hataw si Kier na mala Enrique Gil ang moves sa bawat kantang sumusunod habang sinasabayan sa pagkanta ang ibang lyrics ng kanta. Hindi na nga nito namalayan na pawis na pawis na ito at nag iinit na ang kanilang tahanan at ang sarap niya ng gawing almusal sa itaura niya ngayon. Umaliwalas na ulit ang sala at mas kumintab ang kanilang pulang sahig.Sunod naman niyang tinungo ang kusina na kahit mas magulo ay walang hirap niya itong hinarap. Tuloy parin ang tugtugan at lalo pa niya itong nilakasan para rinig hanggang kusina nila.
Si Kier ay iba sa karaniwang binata. Hindi dahil sa Special Child ito. Hindi dahil may sakit siya. Kundi dahil sa kanyang mga potensyal at talento. Dagdag mo pa ang kanyang kahanga hangang ugali at talino. Talinong lubos na hinahangaan at ugaling halos walang kasing bait. Kahit ihuli na natin ang malabanyaga nitong mukha na tila modelo sa isang sikat na Apparel.
Ngunit ang buhay talaga ng tao ay hindi perpekto. Sa kahit anong dami ng biyaya na taglay mo, mayroon paring kulang sa buhay mo. Si Kier Anthony Fernandez o mas kilala sa tawag na Kier ay nabibilang sa payak na antas ang pamilya. Bokod eito ay palaisipan rin sa kanya ang kanyang katauhan dahil sa ga naririnig nito sa kanyang paligid. Gayunpaman isinasantabi nalang ito ng binata. Sa kahit anong pagkakataon ay nais niyang masaya ito at makapagbigay din siya ng saya sa ibang tao kahit sa simpleng paraan.
May gusto pa kayong malaman?
Oo, di niyo pa ba halata? May dugong bughaw este berde ang ating bida. Pero ibahin niyo siya. Lalakinglalake parin ito at di mo mahahalatang malambot ang kanyang damdamin. Mula sa pananamit, pagsasalita at pagkilos, di mo aakalaing sa loob nito'y isang sereyna ang nakakubli. Lalakeng serena.
Fresh again! Bungad ni Kier sa harap ng salamin habang nakatapis at pumapatak patak pa ang tubig galing sa basa nitong buhok.
At agaran itong bumalik sa kusina suot ang black na Sando at dilaw na jersey short ng badminton.
Sabay sa pagrereklamo ng kanyang bituka ay ang pagsulyap niya sa orasan.
"Kaya pala Mag aalas dies na."
*****Sana nagustuhan niyo*****
Pasensiya sa magulong umpisa.. kayo na po humusga..
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...