Kier's POV
Hindi ko hiniling na humantong sa ganito ang lahat. Unang-una gusto ko lang naman na magmahal at mahalin. Bakit di ko namalayan na aabot pala sa ganito.
"Buti naman Kier at madali ka palang kausap. Akala ko eh hahayaan mong mamatay ang Kaizzer mo kasama ng ina niya."
Ito agad ang bungad ni Evan pagkapasok ni Kier sa bahay nila.Evan pwede ba, huwag ka ng mangdamay ng ibang tao! Diba ako lang naman kailangan mo? Pwes, heto na payag na ako sa gusto mong mangyari, naiinis kong sagot sakanya.
"Ganyan ba dapat sumagot ang isang boyfriend sa kanyang boyfriend? Ha, Kier?
Evan please lang kung ano man ang plano mo papayag ako basta siguraduhin mo sakin na wala kang gagawing kahit ano kay Kaizzer at sa mama niya.
"Don't worry baby. At ngayon wala ng makakahadlang sa pagmamahalan natin." Saad ni Evan habang inaakbayan si Kier.
EVAN'S POV
Ano ako tanga? Ngayong hawak ko na si Kier, hindi ko na kailan pa man hahayaan na guluhin pa kami ng Kaizzer na yan. I have been planning a lot. I have been waiting for Kier to be mine. I may be acting desperately, but I am eager to fight for my love. Hindi ako papayag na agawin ng bugok na yun si Kier.
Akala niya ganun lang kadali yun. Tapos ano? After days, bubulabugin na naman kami ng hayop na Kaizzer na yan. I'm used with that circumstances. I am wiser now.
Sorry Kier but I have to sweep them out of our life. Walang ibang pwedeng umagaw sayo. Akin ka lang. Akin ka lang.... end of POV...
Sapilitang sumama si Kier kay Evan kapalit sa kaligtasan ni Kaizzer at ng mom nito. Bago siya tuluyang umalis, isang mensahe ang iniwan niya kay Kaizzer,
Kai,
Kung ano man nagawa ko ngayon, patawad. Sana maintindihan mo na para sayo ito. Lagi mong tandaan na mahal na mahal kita. Ayoko na mapahamak ka dahil sakin. Sana maintindihan mo ako....I love you!Kaizzer's POV
Isang folded paper ang inabot sakin ng maid ni Kier. Sa pagkatanggap ko palang nito mabilis na akong kinabahan. Di ko alam kung bakit pero kakaiba talaga. Di ko maipaliwanag.
Nang mabasa ko ang sulat ay agad akong kinutuban. Agad na akong kinabahan. Hindi to pwede. Hindi niya pwedeng ilayo si Kier. Hindi pwedeng ilayo ng taong yun ang pinaka mamahal ko. Kier, babawiin kita pangako yan.
'' Ah manang kailan po umalis si Kier? '' Pagpigil ko sa katulong ni Kier.
''Abay kanina pang umaga iho. Hindi ba niya nasabi sayo na lilipad silang america kasama ng boyfriend niya? Sagot ng katulong saakin.
Mga anong oras po?
"Mga ala sais. Ang pagkakaalam ko baka mamayang alas dose pa ang lipad nila. May pupuntahan pa kasi ata sila ng lalaking kasama niya kaya nga ay inihabilin niya sakin yan. Abay bakit pala iho, may problema ba?"
Ah wala po manang sigi po salamat po,sagot ko sa katulong.
Agad akong bumyahe patungo sa airport para mag bakasakaling maabutan ko pa sila.
Habang nasa daan napansin ko na tila may sumusunod sa aking sinasakyan kasi kanina pa dikit ng dikit ang pag mamaneho. Hindi ko na pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagmaneho at lalo ko pang binilisan. Di ko inaasahang hahabulin ako ng kotseng sumusunod sakin. Bigla akong dinikitan at binangga patagilid ng kotse kaya na out of lane ako... nawalan ako ng preno at akmang babangga na ako sa poste...
end of POV...
Sumalpok sa isang poste ang kotseng menaneho ni Kaizzer. Wala itong malay na natagpuan sa loob ng kotse. Samantala yung dalawang kotse na bomangga sa kanya ay tumakas ng mabilis. Duguan ang ulo ni Kaizzer at walang malay na inilabas ng mga taong tumulong sa kanya.
Samantala, si Kier at Evan ay naghihintay ng kanilang flight sa airport. Biglang nahagip ni Kier ang cellphone ng katabing pasahero na nag brobrowse ng Facebook.
"OMG kawawa naman to!" Saad ng babae kaya napatingin si Kier sa binabasa.
ATM ROAD ACCIDENT. Isang live video sa facebook na pinapanood ng katabi nito sa upuan. Nang makita ni Kier ang plate number ng kotse ay agad itong nabigla.
"Ah miss, pwede patingin ng bandang sa may plate number... " pakiusap ni Kier. Agad namang inabot ng babae at ipinakita kay Kier ang video, nahagip din nito yung hisura ng biktima sa accident.
Nang makita ni Kier na sasakyan nga nila Kaizzer ang nadisgrasya at si Kaizzer mismo ang nakuhanan sa video, agad siyang napaluha at labis na nagalala. Di niya alam ang gagawin. Di niya alam kong ano ang magiging reaksiyon niya sa nakita. Labis na nakadama ng lungkot si Kier.
"Are you okay?" Tinanong siya ni Evan.
Evan, si Kaizzer. Si Kaizzer napahamak. Kasalanan ko to. Kasalanan ko to. Kailangan ko siyang puntahan Evan. Kailangan ko siyang puntahan.
"Are you crazy? Malapit na tayo bumyahe tas aalis ka. Come on Kier, this is it. Nag usap na tayo at kailangan na natin umalis. Galit na sagot ni Evan.
Saktong nagsalita ang announcer sa aitport at tinawag na ang pasahero sa susunod na flight, sakto naman na ito na ang flight nila. Walang magawa si Kier kundi umiyak habang hinahatak ni Evan papunta sa eroplano.
Agad namang rumesponde ang mga pulis at medics kaya naidala agad si Kaizzer sa hospital. Walang malay at duguan.
Tanging pagluha ang nagawa ni Kier ng lumipad na ang eroplanong kanilang sinakyan.
Itutuloy...️♥️♥️♥️
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
Roman d'amourLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...