Di ko na alam
Sa araw araw na pagpasok ko
Lagi na lang siya ang hinahanap mo
Ni minsan ba hindi moko napansin?
Samantalang ako sayo lang nakatinginPalibhasa siya lang naman ang nakikita mo
Kahit buong araw lang akong nandito
Alam kong hindi ako pwedeng magtampo
Alam ko naman kasing walang tayoIlang saksak na nga ba ang aking natamo
Sa paulit ulit na pananakit mo
Oo di man sa direktang paraan
Pero ako pa rin ay nasasaktanHindi ko alam kung manhid ka ba talaga
O balak mo lang ako na balawalain palagi
Lahat naman aking ginagawa
Pero laging paghikbi ang sukliHindi ko na alam ang aking iisipin
Kung mahal mo pa ako ano
Hindi ko na alam ang dadamdamin
Kung magiging manhid na rin akoHindi ko na alam ang aking gagawin
Kung bibitaw na ako o ako'y kakapit pa rin
Masakit na kasi kung aking iisipin
Na bumitaw kana pero ako'y nandito pa rinHindi ko na alam kung kailan ako titigil
Kapag ba masakit na tama na?
Kaso akin lang itong pinipigil
Ako naman ay sanay naHindi ko na alam kung susuko na ako
Pagod na pagod na ako sa paghihintay
Pagod na pagod na akong masaktan sayo
Pagod na ako maghintay habang buhayPero isa lang ang alam ko
Alam ko na mahal na mahal kita
Kahit sukong suko na ako
Kakapit pa rin, kahit bumitaw ka na
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoetryMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala