Mas Masaya

27 0 0
                                    

Mas Masaya

Sapat nang ika'y aking nakikita
Nariyan kahit para sa iba
Pero mas masaya sana
Kung para sakin talaga

Ayos lang na hindi ako kausapin
Kahit buong araw hindi ako pansinin
Kahit lagpasan mo lang ako ng tingin
Kahit makita mo ako at wala kang gawin

Hindi na masyadong masakit
Kasi paulit ulit
Pero ayos lang
Kahit mukha na akong mangmang

Buong araw na nakitingin lang sayo
Tititigan ka nang maigi
Hindi magsasawa sayo
Kasi ikaw ang talagang pinili

Makita kang masaya
Kahit sa piling pa ng iba
Ako na rin ay liligaya
Kahit pilit ako'y sasaya

Pero mas masaya sana
Kung tayong dalawa
Kung ako ang dahilan
Ng mga ngiti mo diyan

Mas masaya sana kung ako
Ako pa rin ang sa iyo
Ako pa rin ang mahal mo
Ako pa rin ang nag-iisang 'mahal' mo

Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon