Ilang pursyento?
Sa isang daang pursyento
Ilan nga ba ang pag-asa ko
Ni isa siguro hindi umabot ito
Syempre hindi ako ang irog moKahit na wala na talagang pag-asa
di ko pa rin ito kayang pigilan
Patuloy pa rin akong aasa
Kahit alam kong walang dahilanHindi na mgiging tayo
Aminin mo na lang kasi ng deretso
Alam ko naman na malabo na ito
Kaya di na rin masyadong masakit sa parte koIlan nga ba ang pursyento na magiging tayo?
Isang daan siguro sa panaginip ko
Kaso dito sa reyalidad ng mundo
Wala, wala ni isang pursyento
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoesiaMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala