Hinahanap-Hanap

39 0 0
                                    

Hinahanap-Hanap

Sinta labis ang aking pangungulila
Sabik na sabik nang madama ang iyong presensya
Ikaw lang ang tunay na saki'y nagpapasaya
Sobrang lungkot kung wala ka

Labis-labis ang lumbay na nadarama
Sa tuwing dika makausap Sinta
Sana'y maging masaya na
Ikaw at ako, tayong dalawa

Lahat sayo ay hinahanap-hanap
Lalo na ang minu-minutong pag-uusap
Pati na rin ang boses mo
Nais nang muling marinig Sinta ko

Hinahanap-hanap lagi kita
Sa isip ko'y ni minsa'y di mawala
Ikaw lang ang siyang makakabuo ng araw ko
Sinta bumalik na tayo sa dati, pakiusap ko

Mahal na mahal kita
Sana sa akin ay di pa ri  magsawa
Gusto ko lang na maging maayos tayong dalawa
Di ako bibitaw 'pagkat Mahal na mahal kita

Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon