Naaasar Ako

21 0 0
                                    


Naaasar Ako

Di ko maintindihan ang sarili
Kung bakit gusto kitang manatili
Natatakot akong mawala ka
Naaasar ako sa aking ginagawa

Sa tuwing di ikaw ang kausap ko
Halos mabalisa ako ng todo
Presensya mo ang hanap ko
Naaasar ako dahil hindi dapat ganito

Kahit piliting di ka kausapin
Di kita kayang tiisin
Lumalala na ang aking damdamin
Naaasar ako dahil hindi ito pwedeng lumalim

Di ko alam kung bakit ginagawa ko ito
Ang alam ko lang gusto na kita
Nais kong malaman mo
Naaasar ako dahil di ko na kayang pigilan pa

Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon