Ikaw ang Dahilan
Salamat sa pagpapatawa mo sa akin
Sana lang hindi ka magsawang ako'y tiisin
Alam kong madaldal talaga ako
Sana'y mapag-pasensyahan moSalamat din sa pakikinig mo
Sa mga drama at kalokohan ko
Sa ilang araw tayong nag-uusap
Ramdam kong 'di ko kailangang magpanggapTanging inaasam na hindi ka magsawa
Gaya ng ginawa sa akin ng iba
Gusto ko lang makilala ka ng husto
Maging magkaibigan ng mas matagal pa ditoSa bawat ngiti na nasa aking labi
Sa ligayang aking hindi mawari
Sa tuwing kausap ka ako'y masigla
Ikaw ang dahilan ng aking saya
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoetryMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala