Paano...
Nais ka nang makausap
Sistema ko'y ikaw ang hanap
Tila isa kang pangarap
Kung maabot kay saya parang nasa alapaapNgayon ay may tampuhan
Lagi ka pa ring nasa aking isipan
Ni minsa'y di ka nakaligtaan
Ni isang segundo di ka nakalimutanPaano nga ba masasanay sa ganito
Sa iyong malamig na pakikitungo
Nais lang naman na maging maayos ang 'tayo'
Mahal kita Pakiusap pansinin mo na ako...
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoetryMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala