Kabanata 2
Stay Away
Alas dose na nang bumalik ako sa opisina ni Mr. Del Fierro. Walang bakas sa nangyari kanina na inisip kong baka guni guni ko lang ang nangyaring iyon. Wala na ang mga kalat at wala na ring tao. Nilinis ko na lang ang opisina ni Mr. Del Fierro ngunit hindi ko maiwasang magkaroon ng mga flashback tuwing nakikita ko ang lugar na pinangyarihan.
Sa gabing iyon ay halos hindi ako makatulog. Hindi ko makalimutan ang nakita ko doon. Hindi matanggal sa isip ko ang naging daing ng babae habang ginagawa niya iyon. Hindi ko matanggal sa isip ko iyong mga galaw nila.
Puyat na puyat ako kinaumagahan. Hindi parin natatanggal sa utak ko iyong nangyari pero kinailangan kong itabi iyon sa utak ko. Lumabas ako ng building para bumili ng kanin sa isang fastfood. Mahirap pala ang ganito, marami pala akong kailangan. Kailangan ko ng sarili kong plato, kutsara, tinidor, at baso. Mabuti na lang at may mga ganon rin dito sa Lounge kaya nanghiram muna ako.
Nag sidatingan na ang mga crew. Marami akong nakilala pero madalas sa kanila ay matatanda na pala. Nakilala ko si Mang Carding, si Aling Nenita, at marami pang iba. Halos lahat sa kanila ay pamilyado at may edad na. Mayroon din namang katulad ni Mia na ka edad ko lang pero mailap din sila.
"Bibilisan ko ang paglilinis ngayon. Binyag ng apo ko, e." Tumawa si Mang Carding.
Nagulat ako dahil alam kong matanda na si Mang Carding ngunit hindi ko inasahang may apo pala siya!
"May apo na po kayo? Hindi halata!" Nakangisi kong sinabi.
Nakikinig ang ibang mga crew sa amin. May isang kumukuha na ng mga gamit tulad ng mop, basurahan, at iba pa.
"Alam mo naman ang mga bata ngayon, Sunny." Buntong hininga ni Aling Nenita.
"Oo, e. Disisais pa lang 'yong anak ko, may anak na rin." Halakhak at iling ni Mang Carding. "Wala tayong magagawa, anak 'yan e."
Napalunok ako. Bata pa pala ang anak ni Mang Carding at may anak na rin ito. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiisip ko tuloy ang nangyari kagabi. Pinilig ko ang ulo ko at nagsimula ng kumuha ng mop sa tabi ni Mia.
Half day lang pag Sabado. Lilinisin mo lang ng kaonti dahil wala na namang pumapasok kapag weekends. Ang tanging pumapasok na lang ay 'yong may mga importanteng gagawin at 'yong may mga hindi pa natatapos na mga gawain.
"Tapos na ako!" Sambit noong isang lalaking pinakamaagang nakarating.
Mabuti pa siya. Naglilinis siya ng mop at kinukuha ang plastic para mailagay na doon sa basurahan sa baba. Nag madali ako sa pagkuha ng gamit at iniisip na nandoon kaya si Mr. Del Fierro sa taas ngayon? Hindi ko alam.
Pabalik balik na dinilaan ni Mia ang kanyang labi pagkatapos mag lagay ng lipstick. Nakatingin siya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin.
"Sunny..." Hinarap niya ako.
Napatingin ako sa kanya habang tinutulak ang cart kong may lamang mop at iyong mga supply para makapag linis na ako.
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...