Kabanata 58
Coron
Hindi ko maaalala kung paano ako nakawala sa mga kamay ng security. Hiningal ako sa kakatakbo palayo sa building. Nasa gilid na ako ng kalsada ngayon, mabilis ang pintig ng aking puso at sobrang sakit nito.
Tinukod ko ang aking kamay sa aking tuhod at hinabol ang aking hininga. Dinig ko ang mga yapak na sumusunod sa akin.
"Sunny, asan na ang pera?" Ani Uncle habang pumipikit pikit pa ako sa kakahingal. "Wa'g mo na kaming paghintayin! Pwede nang lumabas ang Auntie mo! At kapag di ka magbibigay ng pera ngayon ay mas lalong lalaki ang bayarin sa ospital!"
Halos mahilo ako sa kakahingal ko ngunit pinilit kong maging maayos. Kabado parin ako sa kahihinatnan ng mga ito. Ayaw kong maapektuhan ang baby ngunit pakiramdam ko ay kapag nandito pa ako ay mas lalo lang itong lalala.
"Ano?" Ani Uncle.
Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera.
"Ibenta na kasi 'yang singsing mo!" Ani Patricia, tinitingnan ang singsing ko sa daliri.
Itinago ko ang aking daliri. Kahit na alam kong sa ngayon ay wala na itong halaga, hindi ko parin kayang isuko ito.
"Manghingi ka na lang ulit sa mayaman mong asawa!" Ani Patricia.
Kasabay nito ang pagkakakita ko kay Ezra sa kanyang likod. Tinagilid ni Ezra ang kanyang ulo at ngumisi siya sa akin. Kumalabog ng husto ang puso ko. Bakit siya sumunod? Ang buhok niya ay medyo naayos na galing sa pagkakasabunot ko.
"May pera siya, ayaw niya lang kayong bigyan." Malamig na sambit nang nakangiting si Ezra.
Nilingon ni Uncle at Patricia si Ezra. Hindi ko mawari kung ano ang pinaplano ni Ezra. Ngunit nang ihagis niya sa harap ko ang isang bag na kulay itim at naglakad siya palapit sa amin ay napagtanto ko rin.
"This is your last chance, Sunny." Ani Ezra at humalukipkip. "Your mother's money in cold cash at ang pag layo mo, o baka naman gusto mong makita 'yong kasal namin ni Rage? Wala ka nang magagawa. This is a business and family thing. This is what's more important, keeping the legacy. Hindi ikaw at hindi kailanman 'yong nararamdaman mo."
Dinampot ni Uncle ang bag na nasa baba. Mas lalong lumaki ang ngiti ni Ezra habang tinitingnan si Uncle na binubuksan ang bag. May lalaking naka itim na lumapit kay Ezra. Sa tikas nong lalaki ay alam ko na agad na isa ito sa mga security ng kompanya nina Rage.
"Ma'am, 3 minutes at tatawagin ka na sa loob para sa announcement ng engagement niyo ni Mr. Del Fierro." Aniya.
Pinanood ko ang pagngiti at pag tango ni Ezra.
Sumikip pa lalo ang dibdib ko. Hindi ko yata kakayanin ito. Umikot ang paningin ko at biglang nag dilim. Pumikit ako at nanatiling nakatayo kahit na gustong gusto ko na lang manghina at humandusay.
Blanko ang pandinig ko. Para bang nabibingi ako. Ilang sandali pa bago nagbalik sa dati ang pandinig at paningin ko at kasabay non ang pagdedesisyon ko. This is not good. This is not good for my baby.
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...