Kabanata 49

1.9M 44.8K 20.7K
                                    

Kabanata 49

Away

Sa gulat ni Jason ay hindi siya agad nakapagsalita. Binigyan niya lang ako ng ilan pang tissue. Kinuha ko ang alcohol ko sa aking bag at nilagay ko saking kamay para mahimasmasan at maging maayos na ang pakiramdam ko.

Pinanood niya lang ako na para bang ilang sandali na lang ay sasabog na ako. Hinayaan ko siya. Alam kong nakakagulat iyon.

"Saan mo g-gustong kumain? O gusto mo ihatid na lang kita sa inyo? Masama pa ba ang pakiramdam mo?" Medyo nalilito niyang mga tanong.

Umiling ako. "Nag promise ako sa'yo na babawi ako ngayon. Birthday mo. We'll celebrate it, Jason." Sabi ko.

Tumango siya at tahimik akong inalalayan patungo sa kanyang sasakyan. Sa loob ay ganon parin. Pareho kaming tahimik sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nasira ko ang buong gabi niya.

"Saan mo ba gustong kumain?" Tanong ko habang nag da-drive siya.

Hindi niya ako sinagot, imbes ay pinaulanan niya ako ng mga tanong. "Nakapag pacheck up ka na ba sa doktor? Bakit ka nagtatrabaho kahit na ganito ang kalagayan mo? Ano ba talagang meron sa Rage Del Fierro na 'yan?"

Pakiramdam ko ay may utang akong eksplenasyon sa kanya. Hindi niya man sabihin ay kitang kita ko ang pagkaka frustrate niya sa mga pangyayari. Tumikhim ako at nagdesisyong sabihin sa kanya ang totoo.

Buong byahe kong kinwento ang tungkol sa amin ni Rage, sa pagkakakilala namin hanggang sa mga katotohanang nalaman ko tungkol sa aming pamilya. Nasa labas na kami ng mga buildings kung saan niya napag desisyunang kumain at hindi pa kami lumalabas ng sasakyan. Tulala at nakahawak pa siya sa manibela kahit nakapark na ang sasakyan.

"Naghiganti lang siya kaya niya nagawa 'yon." Panghuli kong sinabi. "'Yon ang alam ko."

Hinampas niya ang manibela at tumingin siya sa akin. "Bakit mo hinahayaang ganituhin ka ng gagong lalaking 'yon?" Sigaw niya sakin.

"Kailangan ko nong pera, Jason. Hindi pa ako nakakapag pa doktor, oo, dahil natatakot ako na baka di kaya ng ipon ko. Ang alam ko maraming gastusin. Vitamins, gatas, at marami pang iba at hindi kaya 'yon ng part time job ko. Ayaw ko mang aminin pero kailangan ko ng pera ni mama na nandon sa kompanya ni Rage."

Pumikit siya at pagkadilat ay medyo kumalma. "Hindi niya dapat malaman na buntis ka. He doesn't deserve you... or the baby, Sunny."

Hindi ko ito tinatago dahil don. Tinatago ko ito dahil natatakot ako para sa bata. Galit ang pamilya ni Rage sa akin, ayokong matamasa ng baby ko ang galit ng pamilya nila. Ibabalot ko ang anak ko sa pagmamahal na kaya kong ibigay at sana ay maging sapat na iyon.

Kinagat ko ang labi ko. "Gusto ko na lang lumayo. Pagkatapos kong makuha 'yong pera, lalayo na ako."

"What about school, Sunny?" Tanong ni Jason.

Yumuko ako at gumapang na ang panghihinayang na matagal ko nang binabalewala. Sa totoo lang, gusto ko pa talagang mag aral. Gusto kong tapusin kahit ang semester lang na ito. Ilang buwan na lang din naman ang kailangan, e. Mahigit dalawang buwan na lang. Siguro ay tatapusin ko ito atsaka umalis.

Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon