Kabanata 27
Brave and Weak
Pagkarinig ko sa sinabi niya ay nanghina ako. Bumagsak ang mga kamay at balikat ko. Hindi ko kayang umalis.
Hindi kapani paniwala. May parte sa akin na nagsasabing hindi iyan totoo. Na playboy lang siya at gusto niya lang akong mabihag kaya niya sinasabi 'yan. Ayokong maniwala. Pero ang maliit na parte sa akin ang nasusunod. Iyong parteng pwede... pwedeng mahal niya ako.
Tulala ako sa kanyang sasakyan habang nag dadrive siya patungo sa building. Nang nakita kami ni Mia kanina ay sinenyasan ko na lang siyang magkita na lang kami doon. Nakuha niya kaagad at siguro'y siya na rin ang nagpaliwanag kay Ma'am para sa akin. Kailangan kong magpasalamat sa kanya mamaya.
"Sorry..." Tikhim ni Rage habang hinihinto ang sasakyan dahil sa pag pula ng traffic light.
Hindi ako kumibo. Nanatili akong tulala.
"Sorry..." Ulit niya. "Hindi ko sinasadya. Hindi ko dapat sinabi 'yon. It's too fast for you. I'm sorry, Sunny. It's true pero alam kong iniisip mo na hindi dahil masyadong mabilis."
Suminghap ako at binalingan siya. Hindi ako nagsalita. Nakita kong naghihintay siya sa sasabihin ko ngunit wala akong masabi kundi ang punahin ang box na ibinigay niya kanina.
"Hindi ko 'to tatanggapin." Sabi ko sabay lagay sa box doon sa gilid ng aking upuan.
"Alam kong di mo 'yan tatanggapin."
"Hindi ako gold digger, Rage."
"I know, Sunny. Hindi ka nanghingi. I've been with you for a while now and I'm sure you're not like that. Just please take the damn phone. Di ko maatim na ginagamit mo 'yong kay Kid."
"Nasasaktan lang ang ego mo dahil ginagamit ko 'to. Ego trip-"
"Yes! Alright? Nasasaktan ang ego ko!" Iritado niyang sinabi. "Nasasaktan ang ego ko kasi kaya kong bigyan ka ng cellphone pero nag titiis ka sa cellphone ng taong 'yon. Sunny, aasa siya sa'yo. You should return that phone."
Tumahimik na lang ako. Inabala ko ang sarili ko sa panonood ng mga sasakyan sa labas. Tama siya. Pero hindi ko parin maiwasan. Natatakot parin ako. Pakiramdam ko ay masasaktan lang ako sa huli. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko may mali sa lahat ng ito at hindi ko lang malaman kung saang parte. Pero nahuhulog na ako sa kanya. At ang pagdududang ito ay hindi na makakapagpatayo ulit sa akin.
Nang kinuha ko na ang sweldo para sa gabing iyon at sa wakas ay nakausap na si Mia, pagod na pagod na ako. Naghihintay si Rage sa labas at panay pa ang tanong ni Mia tungkol sa nangyari.
"Sinaktan ka na naman ba niya? Simula ata nong pinatulan mo 'yang si Sir Rage, palagi ka ng umiiyak!" Ani Mia palabas kami ng building.
Suminghap na lang ako at nanghihinang naglalakad. Niyayakap ko ang sarili ko dahil sa pinaghalong ginaw ng aircon at ng malalim na gabi. Mabuti na lang at may dala akong jacket.
Natahimik lang si Mia nang nakita niya si Rage sa labas. Naghihintay siya sa amin at pinapanood niya ako habang papalapit sa kanya. Kinalas niya ang kanyang pagkakahalukipkip at tumayo ng maayos.
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...