Kabanata 6

2.5M 59.4K 38.1K
                                    

Kabanata 6

Not Good

Gusto kong isipin na paranoid lang si Mia at masyado lang siyang nadadala sa kanyang pananaw. Pero naiisip ko rin na bakit ko iisipin na paranoid si Mia kung ako mismo ay ganon rin ang pananaw. Gusto kong maniwala na mali ang iniisip ni Mia tungkol kay Rage pero naiirita lang ako sa sarili ko dahil umaasa ako kahit alam kong dapat ay hindi.

Mabuti na lang at sa sumunod na araw ay naging busy si Rage sa mga board meeting at kung anu-ano pa. Kung hindi siya pagod ay marami siyang kausap kaya naging mabilis ang mga araw sa akin.

"670 Pesos ang Semester." Sagot ng Cashier sa isang eskwelahang binisita ko nang nag Biyernes.

Pumuslit pa ako para lang makapunta dito at mabilis naman akong bumalik para hindi mag reklamo si Mrs. Ching sa kawalan ko. Mabuti na lang at nandun si Mia, pinagtatakpan ako nang sa ganon ay hindi mapagalitan.

"Naku, ganon po ba?"

Papauwi ako nang nag isip kung paano ko pagkakasyahin ang perang makukuha sa pagtitinda Biyernes at Sabado. Maghahanap ako ng bedspace sa halagang two thousand buwan-buwan, tapos 670 pesos ang Semester ko sa college, tapos pagkain at baon. Kung makaka kuha ako ng 6 thousand o 8 thousand buwan buwan galing sa pag titinda ay kasyang kasya na para sa lahat ng gagastusin.

Kung ganon, kailangan kong umalis sa Del Fierro. Isang buwan ang binigay ko sa aking sarili bago umalis. Mabibigo silang lahat sa gagawin ko dahil kaka hire lang nila sa akin. Pero alam kong hindi ito kawalan sa kanila dahil marami pa silang mahahanap na iba. Ang kakausapin ko na lang ngayon ay si Ma'am tapos ay maghahanap na ako ng matitirahan.

"Ano? Kamusta?" Salubong ni Mia pagkarating ko sa Lounge.

Nag susuklay siya sa kanyang buhok at kaka baba niya lang sa kanyang cellphone. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri.

"Kung papayag si Ma'am na regular akong magtatrabaho sa kanya every Friday at Saturday, mag eenrol na ako."

Nalaglag ang panga niya. "Aalis ka dito?"

Tumango ako.

"Eh, saan ka titira kung di ka magtatrabaho dito?"

"Ewan ko, Mia. Maghahanap pa ako ng matitirhan. Bedspace." Paliwanag ko sabay lagay ng sardinas sa pinggan para makakain na.

"Sige, tutulungan kita. Magtatanong ako sa boyfriend ko kung saan 'yong mura. Magkano ba ang budget mo?"

Napangiti ako sa narinig ko sa kanya. Nagdududa na ako noon na may boyfriend siya dahil palagi siyang nasa cellphone. Ngayon niya lang sinabi sa akin na meron nga.

"Two thousand." Sabi ko.

Ngumiwi siya. Siguro ay mahirap talagang makahanap ng ganong halaga. Mahirap kung masyadong magarbo ang gusto mo. Ang gusto ko ay simple lang naman, basta lang may matutuluyan.

"Sinong maghahanap ng matutuluyan?" Medyo galit na sinabi ng biglaang sumulpot na si Aling Nena.

Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon