Warning: SPG
-----
Kabanata 29
Akin Ka
Titig na titig ako sa kanya habang nag da-drive siya patungong bahay nila. Nang nagbihis ako kanina sa Lounge, buong akala ko ay di na kami matutuloy dahil magiging abala na siya sa pakikihalubilo niya sa mga bisita. Nagulat na lang ako nang tumawag siya na naghihintay siya sa akin sa parking lot.
Bawat kurba ng kanyang mukha, tangos ng ilong, lalim ng mga mata, pilikmata, at kilay ay sinasaulo ko. I want to memorize every bit of him. Ngumiti siya nang naramdaman ang titig ko. Gumapang ang kamay niya sa kamay ko at mahigpit niya itong hinawakan.
"I'm so happy." Iling niya.
Ngumiti rin ako. "I'm happy for you."
Sumulyap siya sa akin at ngumuso. "Anong gusto mong lutuin ko?"
"Hmmm, kahit ano. 'Yong specialty mo." Sagot ko.
"Alright." Niliko niya iyon sa pamilyar na village kung saan naroon ang kanilang bahay.
Buong byahe ay nakatitig ako sa kanya. Halos hindi ko matingnan ang kahit anong direksyon dahil natatakot akong mawala siya sa aking paningin.
Papalubog na ang araw nang dumating kami sa kanilang bahay. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan niya dahil sa success sa kanyang trabaho. I'm happy for him, really. He's in his rightful place. Pinaghihirapan niya ang kanyang tagumpay.
"You're weird. Bakit ka tumititig sa akin. Are finally in love with me?" Nagtaas siya ng kilay.
Tumawa na lang ako at sumunod sa kanya papasok ng kanilang bahay.
"Come on, Sunny. I know you like me." Kumindat siya.
Hindi ko talaga mapigilang matawa. Hindi mo talaga maaalis sa kanya ang kanyang kumpyansa sa sarili. Naaalala ko kung paano siya kasigurado na gusto ko siya noon ngunit naaalala ko rin kung gaano siya ka takot nang sinubukan kong iwan siya.
"Over confident." Sabi ko.
"I'm not." Umiling siya at lumapit sa akin habang hinahaplos ko ang likod ng kanilang sofa.
Kumalabog ang puso ko. Hinaplos ng kanyang daliri ang aking labi. Hindi kaya ng pag atras ko ang pigilan ang pag lapit niya sa akin. Inilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga. Halos malagutan ako ng hininga.
"I know you're attracted. You're just damn scared to fall." Humalakhak siya at lumayo ng konti sa akin. "Stay here. Magluluto lang muna ako."
Sana nga. I wish I was just scared. But no. I'm not just scared, I'm terrified.
Hindi ko kayang mag hintay sa kanya sa sala habang siya ay nagluluto. Pagka diretso niya sa kusina ay sumunod din ako ilang sandali. Nilingon niya ako nang naramdaman niyang pumasok ako doon.
"No, Sunny. Hindi ako makakapag concentrate nito." Panunuya niya.
Humalakhak ako. "Gusto kong manood."
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...