Kabanata 8
Mga Mundo
Interesado si Mia sa anyaya ni Logan sa amin. Siya na mismo ang kumuha ng address ng bahay na pupuntahan namin kahit na mukha siyang windang habang kinakausap si Logan.
"May boyfriend ka na Mia!" Paalala ko sa kanya nang nanginginig ang kamay niya habang binabasa iyong sinulatan ni Logan ng address.
"Oo, meron, pero hindi ibig sabihin na hindi na ako pwedeng pumunta sa party, Sunny. Ang saya kaya nito tsaka minsan lang tayo maimbitahan sa party'ng pang mayaman!"
Ngumiwi ako. "Kaya nga ayaw kong pumunta. Magmumukha tayong yaya don!" Sabi ko.
"Ano ka?" Napatingin siya sakin. "Hahayaan ko ba 'yon? Syempre hindi pwedeng mangyari satin 'yon! Tsaka hindi tayo magtatagal. Kung ala una tayo matapos bukas edi magbibihis tayo ng damit tapos diretso na tayo sa party."
Marami pa siyang sinabing plano tungkol sa party. Panay naman ang ngiwi ko dahil ayaw kong pumunta. Lahat ng alibi ay sinabi ko na sa kanya para lang hindi ako makapunta.
"Wala akong dress." Sabi ko.
"Ako meron." Aniya.
"Edi ikaw na lang ang pumunta." Irap ko.
"Papahiramin kita."
At lahat naman ng alibi ko ay nagawan niya ng paraan. Bukambibig niya ang tungkol sa party kinaumagahan. Nilibrehan niya pa ako ng lunch, Sabado ng tanghali para lang magpa good shot at makumbinsi akong sumama. Wala naman akong magagawa dahil masyado na siyang masaya para tanggihan ko.
Mas lalo niya lang akong nakumbinsi nang sa gabing iyon ay nadepressed ulit siya dahil hindi na naman daw umano nag rereply ang boyfriend niyang si Eric.
"Baka naman nanonood ng TV." Pag babakasakali ko.
"Ewan ko, naiinis na ako ah." Aniya sabay sulyap halos kada isang minuto sa kanyang cellphone.
Nakakasama kay Mia ang ganito. Nawawalan siya ng gana sa kanyang trabaho. Madalas sa gabing iyon ay pinapasa ko ang customer ko sa kanya para lang may mabenta siya. Nakasimangot siya halos buong gabi. Saka lang umaliwalas ang kanyang mukha nang nag alas onse at tumawag si Eric.
Hinayaan niya na naman ako sa loob ng malaking bar habang nasa labas siya at kinakausap ang boyfriend sa cellphone. Wala si Rage sa gabing ito. Malamang dahil may sarili silang party na nagaganap.
Marami akong naibenta at nang lumabas ako ng bar ay hindi parin natatapos sa pakikipag usap si Mia. Mas lalo lang sumimangot ang kanyang mukha.
"Oh, eh, bakit nga di ka nag rereply kung nanonood ka lang naman pala ng TV. Naiinis ako sa'yo, Eric!" Iritadong sinabi niya.
Tumayo lang ako sa gilid niya at pinapanood ang mga taong nag lalabas pasok sa bar na iyon. May mga medyo lasing ng artista na lumabas doon. Nakita ko ang mga usiserong mga mata habang pinapanood ang isang VJ sa popular na Music Channel na binubuhat ng isang lalaking commercial model na kasama naman ng isa pang lalaking TV host. Nakainom na ako ng alak. Sa bahay nina Auntie noon ay exposed ako sa mga bagay na ganyan. Kahit ayaw ni mama at ayaw ko rin ay madalas akong nakakainom ng kahit isang baso bawat gabi. Kung tumutulong ka sa isang eatery na nag se-serve ng alak ay hindi talaga iyon maiiwasan. Kahit sugal ay alam ko.
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...