Kabanata 42
Cheese
Dumating ako ng apartment na umiiyak. Hindi ko matingnan si Auntie Letty na nakatingin sa akin habang nililinisan ang isa sa mga lamesa doon.
"O, Sunny, uuwi ka pala-" Hindi ko na siya pinatapos.
Bukas ko na lang ako magpapaliwanag at hihingi ng tawad sa biglaan kong pag pasok. Ayoko lang muna talagang matanong ngayon.
"Sunny!" Narinig kong tawag ni Auntie Letty na hindi ko parin nilingon.
Nang nakalapit na ako sa pintuan ng kwarto namin ni Mia ay tumunog na agad ang cellphone ko. Tumatawag si Rage ngunit hindi ko sinagot. Pinatay ko ang cellphone ko at naisip na baka puntahan niya ako dito. Diretso ang tulak ko sa pintuang hindi naman naka lock at agad akong napamura nang nakita ko si Kid na nakapatong kay Mia sa kama. Nilingon nila akong dalawa at nanlaki ang mga mata nila.
"Shit!" Sabi ko at agad ng lumabas ulit.
"Sunny!" Sigaw ni Mia.
Hinihingal si Auntie Letty nang naabutan ako sa labas ng aming kwarto. Napakamot siya sa ulo at napangisi.
"Sasabihin ko sanang sa ibang kwarto ka na muna matulog." Aniya.
Tumango ako at hindi ko magawang makipag biruan. Kumalabog ang pintuan at bumukas ito. Si Mia na nagmamadaling magbihis ang tumambad doon.
"Sorry." Sabay kaming dalawang nagsalita.
Nanghihina ako. Alam kong nakakagulat na sila na pala ni Kid ngayon pero siguro ay masyado akong apektado sa amin ni Rage kaya hindi ko na magawang dagdagan pa ang emosyon na nararamdaman.
Agad naman niya akong sinuri dahil na rin siguro sa pamumugto ng aking mga mata.
"Anong nangyari sayo?" Tanong niya.
Nakita ko si Kid na lumabas ng kwarto, wala pang damit pang itaas. Naalala ko na naman na nakakaistorbo ako sa kanilang dalawa.
"Wala. Uhm... sa... labas mag hahanap ako ng Inn. Doon na lang ako matutulog." Sabi ko.
Tumunog ang cellphone ni Mia at agad niya itong kinuha. Napatingin siya sa akin. Hindi niya sinasagot ang cellphone niya. Nagkatinginan kami ni Kid. Kung normal na araw lang ito ay aasarin ko silang dalawa. Ngumuso si Kid sa akin na para bang nahihiya sa nangyari.
"Tumatawag si Rage, anong nangyari sa inyo?" Ani Mia at pinatay agad iyong tawag nang di sinasagot.
"Mia, nakakaistorbo ako. Maghahanap na lang ako ng Inn." Sabi ko at umambang aalis doon ngunit kasabay ng pag hawak ni Mia sa aking braso ay ang pag mura ni Kid.
"Holy hell, Sunny, dumating ba ang parents niya?" Ani Kid.
Nilingon ko silang dalawa at namumuo na ang luha sa aking mga mata. Nanginig ang boses ko at halos magmakaawa na ako.
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...