Kabanata 57
Addict
Umupo ako sa tabi ni Rage. Kanina pa siya nakaupo sa pool. Wala nang tao sa dining table na nasa tabi lang nito. Nag liligpit na ang mga katulong na ngayon ko lang nakitang umapak sa bahay nina Rage. Hindi ako sigurado kung nasa bahay pa ba ang mga bisita nila. Nanatili ako sa tabi niya kanina habang isa-isang nag si alisan ang mga bisita sa pag aalala sa kanyang ina.
Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi niya. Malungkot siyang nakatingin sa swimming pool at nilingon niya ako, pinipilit na ngumisi.
"Sorry." Sabi ko.
Umiling siya. "Ako dapat ang mag sorry. Wa'g mo nang isipin 'yong mga sinabi ni mama."
Umiling din ako. "Rage, tama siya. Kung iniisip mong papakasalan mo lang ako kasi-"
Pumikit siya. "Sunny, I made up my mind the night you walked out of my life. I told my self I'm gonna marry you. I'm gonna marry you no matter what."
Tumitig ako sa kanya. Hinintay niya ang sasabihin ko ngunit nawalan na ako ng salita. Kahit na ilang beses niya itong sabihin sa akin ay parehong gulat at pagtataka parin ang nararamdaman ko.
Kinusot niya ang kanyang mata at kinunot ang kanyang noo. Tumikhim siya bago bumaling ulit sa akin.
"You should rest. Pagod ka ngayong araw, diba?" Tanong niya.
Dahan dahan akong tumango. Naramdaman ko ang kamay niyang namahinga sa aking tuhod. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at sinikop ako sa aking pagkakaupo.
"Rage!" Bulyaw ko nang nasa bisig niya na ako.
"You'll sleep in my room now." Aniya.
"Iuwi mo na lang ako kina Mia at Kid!" Uminit ang pisngi ko nang naramdaman ko ang kamay niya sa aking hita.
"Sabay na tayo bukas sa event." Aniya at nagsimula siyang maglakad papasok sa bahay.
Amoy na amoy ko ang bango niya. Dalawang butones ang nakababa at nakasilip ang kanyang makisig na katawan. Hindi ko mapigilang tumitig sa maswerteng kulay gold na cross na maswerteng nakabitay sa kanyang dibdib. Nag angat ako ng tingin sa kanya.
"Wala akong damit." Paliwanag ko.
"May damit ka na. Binilhan kita. Pinaghandaan ko na ang pag tira mo dito." Aniya at umakyat na siya patungong kwarto.
Ngumiti ako. Hindi ako naniniwala. Imposible! Maiksing panahon at paniguradong hindi niya pa iyon naiisip. Pinihit niya ang door handle ng kanyang kwarto at nakita ko ulit ang pamilyar nitong disenyo. Binaba niya ako sa kama. Narinig kong tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa kanyang bulsa at agad na kinancel ang tawag. Nilingon niya ang kanyang walk in closet.
"Tingnan mo." Aniya sabay muwestra sa akin doon.
Nakapaa kong tinahak ang pulang carpet ng kanyang kwarto. Tinulak ko ang sliding door ng kanyang closet at nakita ko doon ang mga pambabaeng sapatos at pambabaeng damit katabi nong kanya.
Naramdaman ko ang init ng yakap niya galing sa aking likuran. Nilagay niya ang kanyang ulo sa aking leeg at tumindig ang mga balahibo ko nang suminghap siya sa aking leeg. Nangatog ang binti ko at halos matunaw ako sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...