Kabanata 16
Hindi Nakokontento
Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Rage. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas para gawin iyon kahit na kinakabahan ako at nanghihina sa harap niya. Wala siyang karapatang gawin iyon! Dahil hinding hindi ko siya kailanman maiintindihan. Hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa kanya patungo sa akin. Ayokong isipin na dahil iyon sa estado ng aking buhay pero iyon lang ang tangi kong nahihinuha.
Hindi niya na ako sinundan nang umalis ako. Siguro ay nalaman niya rin ang pagkakamali ng mga sinabi niya sa akin.
Nang datnan ako ni Mia ay nagmadali na kaming umalis doon.
Lumipas ang ilang araw at nagpasalamat ako dahil madalas akong itext ni Kid. Nakakalimutan ko ang pangyayaring iyon. Mas naiirita lang ako sa kanya dahil sa opisina ay madalas halos hindi niya ako tingnan.
"Good morning, Rage!" Umalingawngaw ang boses ni Kid sa loob ng opisina habang nag lilinis ako.
Nasa loob rin ang ibang head ng mga offices at kanina pa sila nag uusap tungkol sa isang inverstor na ayaw papasukin ni Rage pero di umano'y makakatulong sa kompanya.
Nag angat ako ng tingin kay Kid at nakita kong may dala siyang flowers. Napatingin siya sa akin at ngumisi na agad siya. Uminit ang pisngi ko ngunit binisita ng mga mata ko si Rage na ngayon ay pumangalumbaba at inaayos ang papel na binabasa niya.
"Anong kailangan mo, Kid?" Malamig niyang sambit.
"Ah! You know why I'm here. Pahiram kay Sunny saglit?" Nagtaas ng kilay si Kid.
Napatingin ang iilang mga malalaking empleyado ng kompanya sa akin. May nakita akong nag bulung bulungan. Agad akong nahiya. Ano kaya ang iniisip nila? Ang isang tulad kong makikipag date sa isang mayamang taong tulad ni Kid ay halatang hindi maari para sa isang tulad ko.
"My employee is working, Kid." Ani Rage.
"Para naman tayong di magkaibigan." Ani Kid sabay ismid kay Rage.
Hindi na nagsalita si Rage. Umiling na lang siya at hindi na ulit pinigilan si KId. Sinalubong ako ni Kid sa pamamagitan ng pag hawak sa aking siko.
"Flowers for you." Aniya sabay pasada ng ngiti.
Napangiti rin ako. Maganda ang mga bulaklak na napili niya pero hindi ko mapigilan ang aking sarili. "Kid, nasa trabaho ako. Baka magalit si Sir Rage."
Umiling agad si Kid. "Sinabi ko sayo kahapon na pupuntahan kita diba?"
"Akala ko after work." Sabi ko.
Ngumisi siya. "It's okay, Sunny. Magkaibigan kami ni Rage. At kung magagalit siya sayo, I can always offer you another job. Mas maganda pa dito at mas malaki ang sweldo. Ang nagpipigil lang sa akin na gawin iyon ay ang pagkakaibigan namin ni Rage. I don't want him to lose an employee, but you see, I can do that. Kakausapin ko lang siya in time."
Nagulat ako sa seryosong tono ng boses ni Kid. Seryoso ba siya don sa sinabi niya? Hindi ko matatanggap ang trabahong inaalok niya sa akin, kung ano man iyon, dahil aalis na rin naman ako dito para sa pag aaral ko.
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...