Warning: SPG
------
Kabanata 36
Good Boy
Pinagmasdan ko kung paano niya ako tinalikuran. Kinukurot ang puso ko habang lumalayo siya. Pumikit ako at hinayaan ang sarili sa kung ano man ang gusto nitong gawin.
"Rage..." Tawag ko.
Nasa pintuan na siya nang tinawag ko siya. Nakabukas na iyon at natigil lang siya sa pag alis nang tinawag ko. Nilingon niya ako.
"Hindi ko iyon sinabi sa'yo para ma guilty ka, Sunny." Aniya.
Umiling ako. "I'm sorry." Paos ang pag kakasabi ko nito.
Hindi siya kumibo. Nagpatuloy siya sa kanyang pag sarado sa pintuan hanggang sa tuluyan na siyang makaalis.
Tumunganga ako sa kinatatayuan ko. Namanhid ang buong katawan ko dahil sa pangyayari. Pumikit ako at umupo sa kama.
Walang kasiguraduhan ang takbo ng mundo. Kahit anong pigil mo para lang maging maayos ang mga bagay bagay, hindi ka parin makakasiguro sa kahit ano. Pilitin ko man ang buhay na maayos at normal para sa sarili ko, hindi ko parin malimot limot si Rage. Inisip ko kung anong gagawin ko kung di niya ako hinabol.
Pinulupot ko ang kumot sa aking katawan. Suot suot ko ang isa sa mga t shirt niya at ang kanyang boxers pagkatapos kong maligo. Humiga ako sa kanyang unan at pinilit kong matulog ngunit walang pumasok sa isip ko kundi siya at ang kanyang mga matang bigong bigo.
Ilang sandali pa ang pamimilit ko sa aking sarili sa pagtulog ngunit walang dumalaw sa akin na antok. Bumangon ako at inapak agad ang mga paa ko sa malamig na sahig sa kanyang kwarto. Nagpasya akong bumaba sa pagbabakasakaling dalawin na ng antok. May pasok ako bukas. Kailangan ko pang gumising ng maaga para don. Madaling araw na ngunit dilat na dilat parin ako. Hindi yata iyon maganda.
"You're... going out?" Umalingawngaw ang boses ni Rage sa sala pagkababa ko sa hagdan.
Bumaba ako dahil nakita kong sa baba lang may ilaw. Naka dim ang ilaw sa ikalawang palapag. Ang sala at sa kusina ay maliwanag. Nilingon ko siya at nakita kong may hawal siyang baso na may alak sa loob. Shirtless siya at may bandage sa kanyang dibdib.
"Hindi. Bumaba lang ako." Nag iwas ako ng tingin.
Nilapag niya ang iniinom na alak sa mesa at tumingin sa akin.
"Kung gusto mong umalis, ihahatid kita. Don't sneak out again, please. Natrauma na ako."
Nanlaki ang mga mata ko. Nagtagpo ang paningin namin. "H-Hindi talaga ako aalis. Di lang talaga ako makatulog." Sabi ko sabay laro sa t shirt na pinahiram niya sa akin.
"Can't sleep too. Masakit pa 'yong sugat." Aniya.
Tumango ako. "Pain reliever?"
"Uminom na ako." Aniya at tinitigan ako.
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
Любовные романыBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...