Kabanata 28
Cook For Me
Maraming tao ang naaninag ko sa buong hall. Pare parehong naka coat and tie ang mga lalaki at corporate attire o di kayay magarbong dress naman ang mga babae. Nanliliit ako sa pagiging abala nila sa pakikipag batian at pag po-pose sa mga naglalakihang camera.
Nasa gilid lang kami, naghihintay ng kalat galing sa mga pagkaing inihanda.
Punong puno ang hall ng puting round tables kung saan doon naka upo at nakikihalubilo ang mga taong ito.
May biglang dumating na mukhang bigating mga tao dahil sa mga body guard. Iilang bigating tao din ang bumati sa kanila. Usong uso dito ang attache case at body guards. Napapalunok ako tuwing may nakikitang pumapasok sa pintuan.
"Ayy!" Tili ng isang nasa mid-40s na babae nang nabasag ang kanyang baso.
"Sunny!" Sigaw ni Aling Nenita sa akin nang nakitang sa akin banda iyon.
Mabilis akong kumuha ng mop at nagtungo doon. Kumalampag ang puso ko sa kaba at lumulutang ang paa ko habang naglalakad sa dagat ng mga bigating taong ito.
"Janitress, salamat." Sabi ng babae habang nagmo-mop ako sa kanyang gilid.
Nginitian ko siya. Ngumiti siya pabalik ngunit nawala din ang tingin niya sa akin nang may lumapit sa kanya.
"Abangan niyo ang presentation ni Rage. He'll make his father proud, I'm sure. He'll close the deal." Sabi nong lalaking kausap niya.
"That's for sure. Rage never failed his father."
Sumusulyap ako sa kanila habang nag mo-mop ako doon. Pinipiga ang puso ko sa mga narinig na papuri kay Rage. Mas lalo ko lang naisip 'yong agwat naming dalawa sa estado ng buhay.
"Kaya nga nirereto ko talaga siya sa anak ko." Tumawa iyong babae kanina.
Natigilan ako sa pag mo-mop dahil sa pakikinig. "Well, your daughter is a fine lady. Rage will need a fine lady. He won't deserve anyone less."
Napalunok ako at inisip kung ano ang iisipin ng mga taong ito kung malalaman nilang nililigawan ako ni Rage ngayon. Ako na isang hamak lang na janitress.
"Excuse me, tapos ka ng mag mop? You're stinky. Pwedeng sa gilid ka na lang?" Sabi ng isang mas batang babae sa likod ko.
Hindi ko na tiningnan ang mukha nong babae. Umalis na agad ako sa kahihiyan at sa pagkakainis. Pakiramdam ko ay pag natingnan ko siya ay baka mapagsalitaan ko lang siya ng masama.
Kumalampag ulit ang puso ko nang nakalabas na sa hall. Mabilis ang hininga ko at humilig na ako sa dingding.
"Oh, anyare?" Lumabas din si Mia. Siguro ay kanina niya pa ako pinapanood at sinundan niya ako hanggang dito?
"W-Wala." Nanginginig kong sagot.
"Namumutla ka ah?"
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
Любовные романыBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...