Kabanata 55
Tulong
Dahil sa pagod ko ay diretso ang tulog ko sa aking kama. Nagising na lang ako na mabilis ang kalabog ng puso ko. Mabilis din ang hininga ko at agad napabangon. Tumindig ang balahibo ko nang naalala ko kung ano 'yong napanaginipan ko.
Nilingon ko si Rage at nakita kong wala siya sa tabi ko. Pagkalagay niya sa akin sa kama kagabi ay mabilis na akong naidlip. Ni hindi ko na nalaman kung nagkabati ba si Mia at Kid.
Pinagtabi ko ang hita ko at yinakap ko ang aking tuhod. Napanaginipan ko na hindi pa tinatanggal ni Rage ng lubusan ang underwear ko ay hinaplos niya na ako agad. Ngumuso ako at pumikit. Bakit ganon ang panaginip ko?
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at naabutan ko na naman siya sa kusina na naka topless at nagluluto ng almusal ko. Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan ang ibabang likod niya. Naglakbay ang mga mata ko pataas sa kanyang gumagalaw na muscles sa likod.
Lumingon siya sa akin at nagpunas ng kamay. Naabutan niya ang pagkagat labi ko kaya nagtaas siya ng kilay.
"Good morning! How was your sleep?" Aniya at humilig siya sa sink.
Pinaglaruan ko ang labi ko at umupo sa high chair sa may bar. Bumaba ang tingin niya sa binti kong nagmumukha na namang walang shorts dahil sa iksi ng suot ko at dahil sa laki ng t-shirt ko.
"M-Maayos." Nagdadalawang isip kong sagot.
Maayos. Naistorbo ako sa panaginip kong tungkol sayo. Uminit ang pisngi ko. Hinanap niya ang tingin ko at nagtaas ulit siya ng kilay.
"Something wrong?"
Umiling ako at nag tumingin sa kanyang niluluto. Nilapitan niya ang bacon na niluluto at pinatay bago bumaling ulit sa akin.
"You look pale, Sunny." Lumapit siya sa akin.
Nanginig ang sistema ko. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto kong haplusin niya ako. Hinawakan niya sa magkabilang dulo ang high chair ko at sobrang lapit naming dalawa.
"Do you need anything?" Bulong niya.
Umiling ako nang di tumitingin sa kanya. Tumindig ang balahibo ko at nag iinit na naman ang buong sistema ko tulad ng nangyari kagabi.
Nang narinig ko ang halakhak ni Mia at Kid papasok sa kitchen. Umayos agad ako sa pagkakaupo ngunit ang titig ni Rage sa akin ay nanatili na para bang may hinihintay siyang reaksyon sa akin.
Huminga siya ng malalim at tumayo ng maayos. Nagkunwari akong pinanood ang pagpasok ni Mia at Kid na mukhang masaya na ngayon. Nilingon din ni Rage ang dalawa at nakipag high five pa siya kay Kid.
Umiling si Rage at bumalik sa niluluto niyang bacon tsaka ngumisi kay Kid. "Ang ingay niyo kagabi." Sumulyap siya sa akin.
Uminit ang pisngi ko. Niyakap ako ni Mia galing sa likod.
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...