Kabanata 24

2.3M 54.4K 20.1K
                                    

Kabanata 24

Roses

Tahimik kaming sumama kay Rage. Tahimik din siyang nag drive patungo sa building. Naririnig ko ang buntong hininga niya at minsan ay akala ko magsasalita siya pero hindi naman.

Nang tumigil ang sasakyan ay mabilis kong kinalas ang seat belt. Narinig ko ulit ang pag hinga niya ng malalim...

"Sunny, kailangan niyo ba ng kama sa Lounge?"

Nagulat ako sa tanong niya. Narinig ko ang singhap ni Mia sa likod. Paalis na siya ngunit natigilan din sa tanong ni Rage.

"Ay oo! Ang sakit na ng likod namin sa kakatulog sa sofa-"

Matalim kong tinitigan ang natatawang si Mia at tumahimik siya. "Hindi na kailangan. Tsaka, aalis din kami ni Mia don next week. Mag aaral na ako, remember?"

Napaawang ang bibig niya at tumango siya. "Right!"

"Alis na kami. Salamat sa pag hatid." Sabi ko at lumabas na.

Tumango siya at ngumuso.

Sinarado ko ang pintuan ng kanyang sasakyan. Si Mia ay panay na ang ngisi sa akin. Alam ko kung ano ang iniisip niya. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya pero hindi ko kayang sabihin sa kanya iyong nangyari sa CR.

"Ano ba kasing nangyari?" Hinawakan ni Mia ang braso ko habang papasok kami sa buong building.

"Wala nga..." Sabi ko at nagkunwaring naiirita.

"Eh! Kung nakita mo yung mukha niya, parang kahit anong gusto mo ay susundin niya."

Umiling ako at dumiretso na sa loob ng building. Kinwento ko ang sinabi ni Rage bago kami pumasok sa sasakyan pero hindi ko parin maikwento kay Mia ang nangyari sa CR. Mas lalo lang lumaki ang ngisi ni Mia.

"Anong plano mo?"

Madilim na dahil patay na ang mga ilaw. Nasa kabilang sofa siya at ramdam ko na ang antok niya sa kanyang boses. Habang ako naman ay dilat na dilat parin at nakatingala sa madilim na kisame.

"Isosoli ko kay Kid 'yong cellphone bukas." Sabi ko.

"Ibig sabihin pinipili mo si Rage?" Gulat na tanong niya.

Suminghap ako. "Isosoli ko ang cellphone kay Kid dahil kanya 'yon. Mia, imposibleng magseseryoso si Rage sa akin. Kung ano man 'yong nararamdaman niya sa akin para ngayon lang 'yon. Hindi natin alam kung magtatagal ba 'yon."

"Nahulaan ko na talaga na 'yan ang sasabihin mo!" Tumawa siya. "Ikaw, Sunny. Nasayo ang desisyon."

Ilang sandali lang ay nakatulog na agad ang pagod na si Mia. Natagalan pa bago ako nakatulog. Inisip ko ang mga mata ni Rage at ang pakiramdam ko kanina. Natatakot ako sa mangyayari. Natatakot akong 'yon lang ang habol niya sa akin. Ang sabi ni mama, ang mga demonyo daw ay hindi nagpapakita bilang pangit at halimaw, madalas silang nagpapanggap na maamo at nakakabighani. Paano kung bitag itong pinaparamdam niya sa akin? Just to get to me?

But I'm falling. Hard.

Tumulo ang luha ko. Hindi ko inaasahan 'to. I used to be a very smart girl. Akala ko kahit kailan hindi ako magkakaganito. Akala ko non nahihibang lang si mama sa pag ibig sa isang lalaking may asawa na. Pero ano 'to ngayon at bakit ako naman ang mukhang nahihibang?

Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon