Kabanata 45
Walang Laban
"Sorry kung naabala ka namin, dis oras ng gabi." Ani Brandon.
Pinanood ko ang seryoso niyang mukha. Bakit sila nandito sa ganitong oras ng gabi?
"Galit na galit si Rage kanina sa bar." Panimula ni Logan.
Nag iwas ako ng tingin. Alam ko kung bakit siya galit. Kailangan kong hayaan iyon. Hindi ako magpapaapekto. Saan kaya patungo ang pag uusap na ito? Umupo ako sa sofa. Si Logan, Brandon, Kid, at Mia ay parehong nakatayo at pinapanood ako na para bang ako ang sagot sa problema. Tumikhim si Mia at nagsalita.
"Aba, siya pa may ganang magalit ngayong siya naman 'yong may kasalanan?" Ani Mia na agad namang pinakalma ni Kid.
"We heard you have someone else now, Sunny. Ang bilis naman yata..." Ani Brandon binabalewala si Mia.
"Walang pakealam si Rage don kasi di rin nakealam si Sunny sa kanila nong Ezra niya." Sumbat ni Mia.
"Relax, Mi." Ani Kid habang hinahaplos ang kanyang braso.
Matalim na tinitingan ni Brandon si Mia bago bumaling ulit sa akin. Gusto kong sabihin kay Brandon na hindi totoong may iba na ako. Gusto kong bawiin iyon at sabihin nila kay Rage na wala. Pero para matigil si Rage sa akin ay kailangan ko rin iyon.
"Paano niyo nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ko.
"Hindi namin alam. Si Tito Marco ang may alam." Sabi ni Logan.
Napatingin ako kay Logan. Marco Del Fierro, ang ama ni Rage at ang taong minsan nang minahal ni mama. Anong kinalaman niya dito? Bakit niya alam na nandito ako sa condo ni Kid?
"Sunny, pinahanap ka niya dahil gusto niyang makausap ka."
Nag iwas ulit ako ng tingin sa kanilang lahat. Ano ang kailangan naming pag usapan. Sila ng mama ko ang may dapat na pag usapan pero wala na si mama ngayon kaya wala na ring halaga ang lahat. Hindi ko alam kung ano pa ang kailangan niya sa akin.
"Maayos na ako. Naiintindihan ko na ang ginawa niya kay mama noon. He wouldn't give up his family for my mother at iyon nga ang dapat na ginawa niya. He should only love his wife." Sabi ko.
Umiling si Brandon. "This isn't about their relationship years ago, Sunny. This is something your mom left you."
Nag angat ako ng tingin sa kanya. "My mom left me with memories. Iyon lang. Maganda at malulungkot."
"Nagkita si tito Marco at ang mama mo sa isang event ng Del Fierro companies. I know your dad is a real estate agent bago siya namatay. 'Yong perang naipon niya ay nilagay niya bilang investment sa kompanya ni Tito Marco. Your mom ended up on that event because of your father."
Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nasabi ba ni mama kung saan sila nagkakilala ni Mr. Del Fierro. Ang alam ko lang ay sa galit ko noon, hindi ko na inalam pa ang mga detalye. Mahal ni mama ang isang lalaking may pamilya. Imoral at napaka makasariling desisyon ng pagmamahal iyon. Hindi ako sang ayon kaya naging mailap ako sa kanya. Kahit nong nalaman kong may sakit siya, itinatanggi kong madinig ang mga detalye sa kanila ni Mr. Del Fierro. I didn't even know his family name back then. I only know him as 'Tito Marco'. Ni hindi ko siya tinatawag na ganon!
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...