Kabanata 20
Kisses
Hindi ako mapakali pagkarating namin sa kotse ni Rage. Kinausap niya muli ang bouncer pagkatapos naming ilagay si Mia sa likod ng kanyang sasakyan. Naalala ko non na nailagay din namin si Mia doon noong birthday ni Logan.
Hinintay ko siyang matapos. Tumatango na siya sa sinabi ng bouncer at bumaling sa akin. Halos mapatalon ako nang tinitigan niya ako habang nakikinig sa binubulong ng bouncer. Umupo ako ng maayos sa front seat at bahagya kong sinara ang pintuan.
"Hmmmm. Tangina mga lalaki." Bulung bulong ni Mia sa likod ng sasakyan ni Rage.
Nakatulog siya nang mapaupo doon kanina. Ngayon kung anu ano na naman ang sinasabi niya.
Naglakad na si Rage patungo sa sasakyan. Sinarado ko ng tuluyan ang pintuan at hinintay kong makapasok siya. Nang pumasok siya ay nag iigting ang kanyang panga habang inaayos ang kanyang seatbelt. Hinawakan niya ang manibela at huminga siya ng malalim.
"Uhmm, pareho kaming sa building na. Di uuwi si Mia sa kanila." Sabi ko.
"Sa bahay kayo matulog." Aniya.
"H-Ha?" Nagulat ako sa bigla niyang idineklara. "M-Maayos naman kami don sa building."
"It's for your safety. And besides, wala kayong bed don sa building. Mas mabuting doon kayo sa bahay ko. I have unused bedrooms." at pinaandar niya ang kanyang sasakyan.
Umiling ako at nangapa ng salita. "Salamat pero nakakahiya-"
Ngumuso si Rage habang nag mamaneho. "Mas safe, Sunny. Mas uunahin mo pa ba ang hiya mo?" Sumulyap siya sa akin at hindi ko nakaligtaan ang kanyang labi.
Uminit ang pisngi ko at napatingin sa kalsadang umiilaw sa street lights at iba't ibang ilaw galing sa ibang sasakyan. Fine.
Hindi na ako umimik dahil alam kong iyong gusto niya ang masusunod. Ayaw ko sana dahil pagkatapos ng nangyaring pananampal ko kanina at ang lahat ng mga sinabi niya, hindi ko alam kung kaya ko bang matulog ng tahimik sa kanilang bahay.
Pinarada ni Rage ang sasakyan sa tapat ng double doors nila. Agad dumalo ang mukhang guard doon sa bahay nila. Naisip ko tuloy kung ito ba iyong inutusan niya noon para kumuha ng tsinelas para sa akin.
"Saan siya ilalagay, Sir?" Tanong ng guard habang inaalalayan ang half awake lang na si Mia.
Nasa gilid niya ako at inaayos ko ang damit niyang maiksi.
"Sa dulong bedroom na lang." Ani Rage.
Sumunod ako sa guard. Naramdaman kong ganon din si Rage. Tulog na si Mia sa mga bising ng guard. Umakyat kami sa magarbong hagdanan nila at nakita ko ulit ang iilang pintuan bago ang gym. Alin kaya doon ang kwarto ni Rage? Alin doon ang sa kanyang mga magulang? At kanino ang ibang kwartong naroon?
Tumigil ang guard sa huling pintuan at binuksan niya agad iyon. Nang binuksan niya ang mga ilaw ay namangha agad ako sa ganda nito. Kulay ivory ang dingding, maging ang ilaw ay ganon din. May sariling tukador, kabinet, lampshade, at CR ang kwarto. Nilapag ko ang bag ko sa mesa at agad kong pinuntahan si Mia sa kama. Nilagyan ko kaagad siya ng kumot. Malalim na ang kanyang tulog at tingin ko'y bukas pa talaga siya magigising.
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
Любовные романыBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...