Kabanata 13
Fall
Bumabagabag sa akin ang lahat ng nangyari sa araw na iyon. Una ay iyong tungkol kay Eric, sunod naman ay iyong tungkol kay Kid, at pang huli ay iyong kay Rage.
Tama kaya ang desisyon kong ito? Tama kaya na pupunta ako kina Rage para sa dinner na sinasabi ni Kid? Wala ng oras sa pag iisip. Ilang minuto na lang ay bababa na si Mia para makapag ayos na at makababa na kami sa building. Susunduin daw kami ni Kid. Maagang umuwi si Rage kaya kanina ko pa natapos ang paglilinis sa kanyang opisina.
Kinuha ko kaagad ang jacket na pinahiram niya sa akin nong birthday ni Logan. Kailangan ko itong isoli sa kanya. Mukhang mamahalin at nahihiya na nga ako dahil medyo matagal nang naibalik ko ito. Pahirapan kasi sa paglalaba dito sa Lounge. Nahihiya akong gumamit ng tubig. Minsan lang ako nakakapag laba kaya halos ubusan ng damit ang nangyayari sa akin araw-araw.
Mabuti na lang at may natitira pa akong damit. Naka maong na pants ako at isang simpleng puting sleeveless. Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang excited na mukha ni Mia.
"Magbibihis lang ako." Aniya.
Tumango ako at pinanood ko siyang magbihis.
Hindi ko mapigilan ang paglipad ng utak ko sa lahat ng mga sinabi ni Rage kanina. "Date him, then..." Bakit kahit paano ko ideny ay naiisip kong nagseselos siya? Bakit para akong kinikiliti tuwing naiisip kong nagseselos siya.
"Sunny, baka itakbo na kita sa mental?"
Napatingin ako kay Mia na ngayon ay nakapagbihis na ng shorts at kulay pulang spaghetti strap.
"Ngumingiti ka ng mag isa diyan." Halakhak niya.
Pinilig ko ang ulo ko at tumayo na agad galing sa pagkakaupo. "Tayo na." Sabay kuha ko sa jacket at tsinelas na kay Rage din.
"Hmm. Nag iiwas ng topic." Halakhak niya. "Dapat ay nag shorts ka. Ipakita mo 'yong legs mo!"
Umiling na lang ako sa mga iniisip ni Mia. Marami siyang naiisip at lahat ng iyon ay tungkol sa pagkakagusto ni Rage sa akin.
"Akala ko ba ayaw mo ng mga mayayaman kasi nanggagamit sila?" Nagtaas ako ng kilay pagkatapos niya akong ipagkanulo sa kay Rage habang nasa elevator kami.
Bumukas ang elevator at sabay kaming lumabas doon. Nagtungo kami sa double doors na pintuan ng building para maghintay sa pag labas ni Kid.
"Well," Kibit balikat niya. "Nakakakilig parin pala kahit papano."
Umiling na lang ako at hindi ko siya maintindihan. May mga prinsipyo siyang mabilis mabali. At natatakot akong ganon din iyon para sa akin. "Sobrang aga pa para sabihin 'yan."
Kasi paano kung iba ang habol niya sa akin? Paano kung iyon lang ang habol niya sa akin? Hindi natin alam. Ang sarap magpatianod sa nararamdaman mo pero masakit naman sa huli.
"Oo nga naman. Mag iisang buwan pa lang kayong magkakilala, diba?" Aniya at nag ngiting aso ulit.
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...