Kabanata 41

1.9M 49.3K 46.3K
                                    

Kabanata 41

All I Have

Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ni Kuya Renz na pababain ako. Natataranta na siya. Ganon ba ka lupit ang parents ni Rage at bakit ganito maka asta ang driver para sa akin? Tama siguro si Ezra, magagalit ang parents ni Rage sa akin. Lumunok ako at tiningnan ko ang cellphone ko.

"Sir?" Narinig kong nagsasalita si Kuya Renz.

Hindi na siya ulit kumibo. Tulala lang siya at nakalagay ang cellphone niya sa kanyang tainga. Kumunot ang noo ko at napatingin sa likod. Narinig ko sa likod pa ng SUV kung saan sakay ang daddy ni Rage ay naroon din ang kanyang Prado. Nandito na si Rage!

"Kuya, nandito na pala si Rage." Buntong hininga ko at agad na binuksan ang pintuan para lumabas.

Kitang kita ko ang pagkakataranta ni Rage. Nilingon ko ang kanyang mommy na napatingin sa akin kahit medyo malayo siya. Ilang sandali ang nakalipas ay lumabas ang naka tight red dress na si Ezra sa bahay ni Rage.

"Mama!" Sigaw ni Rage at diretso ang tingin niya sa kanyang ina.

Nilingon ko ang kanyang ina. Hinawakan ni Rage ang aking siko at agad akong nilagay sa kanyang likod. Narinig kong bumukas ang pintuan ng sasakyan sa likod. Iyong SUV na sinasakyan ng daddy ni Rage. Lumapit si Ezra sa amin, dahan dahan at hindi ko na maintindihan kung bakit may tensyon akong nararamdaman.

"Rage..." marahan kong banggit nang narealize na hinihingal at kabado si Rage.

"Bakit kayo nandito? Sabi ko naman sa inyo na wa'g kayong tumuloy dito. This is my house. May bahay kayong inyo." Ani Rage, gulat ako sa diin ng kanyang pagkakasabi sa kanyang ina.

"Ezra invited us for dinner. Binaba ko lang ang maleta ko..." Naglaro ang tingin ng mommy ni Rage sa akin na nakatago sa anino ni Rage.

Hindi ko alam kung magpapakita ba ako o hindi. Nanliit ang mga mata ko. Pamilyar sa akin ang mommy ni Rage. Maiksi ang kanyang straight na buhok at may kaonting side bangs. Maputi siya at matangkad. Sopistikada at sumisigaw ang kanyang mga alahas ng yaman at kasaganahan.

Saan ko nga ba siya nakita?

"Rage," Tumawa si Ezra at umamba ulit sa paglapit sa amin. "Come on, kailan mo pa ba pinagtabuyan ang mommy at daddy mo?" Tanong niyang nakangisi.

Tumunog ang pintuan ng SUV sa likod namin. Narinig kong nagmura si Rage. Hindi ko nilingon iyon. Nanatili ang mga mata ko sa mas lalong nangingising si Ezra.

"Rage, anong problema?" Isang malalim na boses ang narinig ko galing sa taong nasa likod. Inisip kong siya ang daddy ni Rage. Agad kong tiningnan ang lalaki sa likod at nanlaki ang mga mata ko.

Lahat ng alaala noon ay nagbalik sa akin. Humigpit ang hawak ni Rage sa aking braso. Namanhid ang buong katawan ko habang pinapanood ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Mr. Del Fierro - ang lalaking kinabaliwan ni mama bago siya namatay. Ganong ganon parin ang itsura niya. Sa edad na lagpas singkwenta ay makisig parin siya. Matingkad ang dugong espanyol sa kanyang mukha at kutis. Naka itim na suit at mukhang mas namuhay ng mapayapa ngayong wala na si mama.

Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon