Kabanata 33
Obsessed
"Rage, ibaba mo na ako." Paulit ulit ko 'tong sinabi habang nag dadrive siya sa highway.
"Saan ka tumitira? Don kita ibababa." Aniya.
"Dito lang ako." Wala sa sarili kong sinabi.
"Pag di mo sasabihin sa akin, sa bahay kita dadalhin."
Napatingin ako sa kanya. Lumingon din siya sa akin. Suminghap ako at sinabi ko sa kanya ang address. Pagod na pagod na ako.
Niliko niya ang kanyang sasakyan patungo doon sa address na sinabi ko at mabagal niya itong pinatakbo.
"Sunny, come on. Alam kong marami kang insecurities. Alam ko kung ano ang iniisip mo tungkol sa akin and I understand that. I'm a jackass for using girls like that at hindi ko alam kung paano kita papaniwalain, just give me my chance." Marahan niyang sinabi.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang pakiramdam na mabuhay kasama si mama noong iniwan siya ng lalaking iyon. Unang subok niyang suicide ay ang pag inom ng maraming pills, pangalawa ay ang pag lalaslas. Hindi ko na maalala ang sinabi ng mga doktor pero tingin ko ay malaking factor iyon kaya siya nagkasakit. She's broken. At hindi ko maintindihan kung bakit ganon. Ang tanging sinabi ni Auntie ay dahil na inlove lang talaga siya don sa lalaking iyon. Inisip kong mali ang mag mahal. Nakakapanghina iyon. And I detest the day I met Rage... because he made me fall. Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko na. Gusto ko siya ngunit ayokong mabaliw.
Hindi ako sumagot sa kanya. Narinig ko ang pabalik balik niyang pag singhap.
"Sunny... Please, talk to me. Sabihin mo sa akin kung-"
"Gusto ko lang talagang umuwi, Rage." Sambit ko.
"Hindi kita masisisi kung masyado kang judgemental sa akin pero can't your feelings handle a little risk? Ang sabi mo sa akin, gusto mo ako..." Tumigil siya.
Sumulyap ako sa kanya at nakita ko ang kanyang mga matang umaasa.
"Bakit hindi mo magawang sumugal kahit konti?"
Pumikit ako ng mariin. Ayaw ko sanang sabihin sa kanya 'to pero ito lang ang tanging paraan para mapaintindi ko siya. "Rage... na inlove ang mama ko sa isang kasadong lalaki." Sabi ko.
Hindi siya umimik. Nanatili ang kanyang mga mata sa kalsada at nakita ko kung paano niya hinawakan ng mahigpit ang manibela ng kanyang sasakyan.
"He's rich and powerful, just like you. Ginawa siyang kabit nong lalaki at mahal na mahal niya kaya hindi niya maiwan-iwan. Nong iniwan na siya nong lalaki dahil nakahanap na siya ng ibang babae ay nag suicide attempt siya, nagkasakit, dahilan kung bakit kinailangan naming ibenta ang bahay namin at kung bakit naghirap ako."
Suminghap ulit siya nang di ako tinitingnan.
"Nakita ko kung paano nahusgahan si mama at tinawag siyang kabit, pokpok at kung anu-ano pang masasakit na salita galing sa wife nong lalaking 'yon. Alam kong may kasalanan si mama pero, shit, mama ko siya at nagmahal lang siya." Pumiyok ang boses ko.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng apartment ni Auntie Letty. Payapa na dahil malalim na naman ang gabi.
Humilig siya sa kanyang upuan. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa mga sinasabi kong ito. Siguro ay narealize niyang suko na talaga ako sa aming dalawa. Sana ay sumuko na siya.
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...