Kabanata 52
Babae sa Babae
Isang milagro na napigilan ko pa ang sarili ko kay Rage. Hindi ako nagpatalo sa panghihina ko. Nang tumayo ako ay nag iwas ako ng tingin sa kanya.
"Rage, gusto kong mag pahinga." Sabi ko nang hinawakan niya ang braso ko.
Tumikhim siya at tumayo rin tulad ko. "Alright, you can have your rest. But at least, eat first." Sabi niya.
Hinawi ko ang kamay niya sa braso ko at agad ko na siyang tinalikuran. Ayaw kong tinitingnan siya. Hindi ko pa maalis sa aking isipan ang lahat ng nangyari at tuwing tinitingnan ko siya ay nakakalimutan ko iyon.
Pagkalabas ko ay naroon parin si Mia, Kid, Logan at si Walter. Wala na don si Jason at agad kong naintindihan.
"Damn, girl. You rejected my proposal." Bulong ni Rage sa likod ko.
Kumunot ang noo ko at binalewala ko siya. Nilingon ko si Mia na mukhang nag iingat sa bawat kilos niya dahil hindi niya alam kung nag kaayos na ba kami ni Rage o hindi pa.
"Sunny, uh, sorry, umalis si Jason." Ani Mia.
Tumango ako at didiretso na sana sa kwarto para maiwan na sila don. Gulong gulo pa ako at gusto ko na lang munang mapag isa. Ang makasama si Rage sa iisang lugar ay nakakapigil hininga.
"Sunny, matutulog ka na? Kumain ka na ba ng hapunan? May pagkain sa mesa. May dinner tayo. Baka malipasan ka ng gutom." Ani Mia.
Ngumuso ako at napagtantong kahit na nawala na 'yong gutom na naramdaman ko kanina ay kailangan kong kumain para sa anak ko. Lumunok ako at lumingon sa mesa na may mga pagkain.
"Di ka pa kumakain?" Tanong ni Rage.
Ayaw ko siyang sagutin kaya tinikom ko na lang ang bibig ko at tiningnan kung ano ang pagkain na meron kami sa mesa. May menudo at ginataang manok doon. Hindi ko alam kung sino ang nagluto.
Galing sa kusina ay naririnig ko ang alitan ni Mia at Kid sa sala. Gusto ko silang pagbatiin ngunit ayaw kong manatili doon, at siguro pati na rin dito. Sinundan ako ni Rage sa kitchen at tiningnan niya kung ano ang nakahain.
Binuksan ko ang ref at agad kong naamoy ang cheese sa pizzang naroon. Dumuwal ako ng isang beses at agad kong sinarado ang ref.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Rage at nasa likod ko na agad siya.
Nilagay ko lang ang kamay ko sa aking bibig para pigilan ang pagduduwal. Umupo ako sa mesa at habang pinipigilan ko ang pagduduwal ay nilapag ni Rage ang plato at mga kubyertos doon.
"Do you get sick a lot, Sunny?" Tanong niya.
Ayaw kong sumagot at hindi rin ako makasagot dahil sa pagtatakip ko sa aking bibig. Umupo si Rage sa tabi ko at nilagyan ng kanin at menudo ang aking pinggan. Pinanood ko ang paglalagay niya at unti unti akong nangulila sa lahat. Iyong tipong kahit sobrang lapit naming dalawa ay ang layo parin namin sa isa't-isa. Na mi-miss ko na 'yong pakiramdam ko noon. Iyong kahit na may takot ako ay alam ko parin sa sarili ko na may pag asa. Ngayon ay natatakot akong kahit gusto ko pang sumugal ay hindi na sa akin ang desisyon na iyon. Nasa anak ko na. Para sa ikabubuti ng aking anak...
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...