Kabanata 25

2.3M 52.4K 15.1K
                                    

Kabanata 25

Date

Buong araw na nakaaligid si Rage sa akin. Kung mayroon mang hindi nakakaalam sa ginagawa niyang pag pupursigi sa akin ay paniguradong alam na nila iyon ngayon. Nang umakyat pa lang ako ng building kasama niya na may dala dalang rosas ay nakumpirma na nila. At nang nagpadala siya ng lunch para sa amin ni Mia sa lounge ay halos mahiya ang mga maintenance.

"Uhm, excuse me, sir." Umubo-ubo pa si Mrs. Ching nang nadatnan si Rage sa sofa, nakaupo din.

Kanina niya pa pinupuna ang iilang pagkukulang sa Lounge. Kasama na doon ang kama para daw matulugan ng mga crew na agad namang diniscourage ni Mia dahil daw nag po-promote iyon ng pagiging tamad habang nasa trabaho.

Nagtaas ng kilay si Rage kay Mrs Ching. Halos hindi ako maturo ni Mrs. Ching sa pagkakaintimidate niya kay Rage.

"Mag papa meeting sana ako saglit sa crew para sa dadating na event ngayong Friday."

"Okay." Tumango si Rage.

Tinuro ulit ako ni Mrs Ching. "Kasama po kasi dapat si Sunny."

Tumikhim si Rage at napatingin kay Mrs. Ching.

Baliw. Pumula ng parang kamatis ang pisngi ni Mrs. Ching sa titig ni Rage. Hindi ko malaman kung nahihiya, natatakot, o naiintimidate ba siya.

"Opo. Andyan na." Sabi ko at tumayo na dahil si Mia ay nasa likod na ni Mrs. Ching.

"Ibabalik ko rin po agad si Sunny. Mga limang minuto lang ito."

Tumango si Rage at tumingin sa akin.

Kumunot ang noo ko. Nagulat ako sa hindi maalis niyang mga titig. Ako na lang mismo ang nag iwas ng tingin at sumunod kay Mrs. Ching patungo sa kanyang opisina.

"Grabe, Sunny! Grabe! Kita mo 'yong mga binili niya para sa'yo? Shit!" Panay ang talak ni Mia habang sumusunod kami kay Mrs. Ching sa opisina niya.

Nang nakapasok kami ay nakita kong naroon na nga ang iilang crew at kami na lang ang hinihintay. Umupo kami ni Mia sa harap. May nakita na agad ako sa laptop ni Mrs Ching. Tungkol ito sa event na mangyayari sa Friday. Hindi ko pa alam kung ano 'yon pero ang alam ko ay celebration 'yon para sa lahat ng stock holders at investors na na close nila sa loob ng ilang buwan.

Itong negosyo kasi nila ay 'yong leading company na gumagawa ng iron, metals, at kung anu ano pa, sa buong Pilipinas. Nag aangkat din sila sa ibang bansa. Madalas 'yong mga branches nila ay nasa probinsya. At ang Del Fierro Building ay mistulang business center para sa mga foreign investors at iba pang stock holders nila.

"Kasama po ba sa dadalo sina Mr. and Mrs. Del Fierro?" Tanong ni Mang Carding kay Mrs. Ching.

"Hindi po. Si Rage lang sa ngayon. Hindi pa nakakauwi galing ibang bansa sina Mr. and Mrs."

Tumango si Mang Carding.

"All the more na kailangan nating maging maayos ang event na ito para kay Mr. Del Fierro." Ani Mrs. Ching. "Tapos ko nang nakausap ang crew ng kitchen kaya sila na ang bahala sa pagkain at pag se-serve. Kayo ang hinuli ko dahil konti lang naman ang kailangan galing sa inyo. Abangan niyo lang 'yong taga kitchen para incase may aksidente, malilinis kaagad. Foreigners madalas ang investors dito kaya medyo partikular sila sa service."

Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon