Kabanata 53
Slap Me
Papasok ako sa cafe na sinabi niya. Naroon na siya sa gitnang table at umiinom ng juice. Nang namataan niya akong papasok sa cafe ay humalukipkip siya at pinanood niya ang bawat paggalaw ko na para bang naghihintay na magkamali.
Iginala ko ang mga mata ko sa buong cafe at nakita kong marami namang tao doon. Pinag titinginan pa siya ng iilang kumakain, siguro dahil namumukhaan siya.
Tumayo ako sa harap ng kanyang mesa. Inilahad niya ang kanyang kamay sa upuan sa tapat ko.
"Upo ka," aniya.
Dahan dahan akong umupo roon sa tapat niya. Pinanood niya ang pag upo ko nang nakakunot ang noo. Huminga siya ng malalim at nagsalita.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Sunny. Gusto kong malaman..."
Marami akong naisip. Alam niya kaya na buntis ako? Sinabi kaya ni Rage sa lahat?
"may plano ka bang balikan si Rage?" Bahagya siyang tumawa. "Oh that's a stupid question. Of course, gusto mo siyang balikan. Who would not want Rage Del Fierro, right?"
Hindi ako nagsalita. Sa sarili ko ay hindi ko rin alam ang sagot. Gusto, oo, pero ang isiping babalikan ko siya ay hindi ko makita. Paano ang baby ko? Paano siya tatanggapin ng pamilya? This is not my choice.
"He's hot, handsome, and very rich." Pinanood ni Ezra ang ekspresyon kong alam kong hindi nagbabago sa mga sinabi niya. "You're staying because you want your mother's money back and maybe you want him back too."
"I want my mother's money back, that's all. Hindi ako nagtatrabaho sa kanila dahil gusto ko siya, 'yong pera ng mama ko ang gusto kong makuha."
Nagtaas siya ng kilay. "Alright. So you want the money. What if I can give you that money. Would you stay away?" Tinagilid niya ang kanyang ulo at naghintay sa sasabihin ko.
"Ang pera ni mama ay nasa kompanya nina Rage."
"Yes, I know. But I can give it back to you. I will ask tita. Would you stay away, Sunny?" tanong ulit niya.
Hindi ako nakapagsalita.
"Kung totoong hindi mo hinahabol si Rage at pera lang ang gusto mo. Then, I can give you your damn money and stay away."
Natahimik kaming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Ayokong tumanggap ng tulong galing sa kanya ngunit inisip ko ang mga kailangan ng anak ko.
"Sunny, ilang buwan na kayong magkakilala ni Rage? 6 months? or less?"
Lumunok ako sa tanong niya. Saan siya patungo sa mga sasabihin niya?
"You think you know him, but I know you don't. Do you know his favorite food? Alam mo ba ang mga pinagdaanan niya noon?" Nanliit ang mga mata ni Ezra at umiling sa disappointment dahil wala akong maisagot. "Wala kang alam. High school siya 'nong nagkarelasyon 'yong mama mo at papa niya. Well, I'm not sure but maybe elementary din since palaging nag aaway sina tita noong elementary kaming dalawa. Tito Marco was always out of town and with his other woman. Tita was always drunk because of that. At si Rage, pasan niya ang lahat. Lahat ng problema nilang dalawa! Ako lang ang kasama niya para malagpasan lahat ng iyon."
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...