Kabanata 32

2.1M 51.3K 31.1K
                                    

Kabanata 32

Nababaliw Ka Na?

"Sumusobra ka na, a!" Susugod na sana si Kid ngunit hinawakan ko ang kanyang braso.

Nakita ko ang titig ni Rage na dumapo naman ngayon sa kamay kong nakahawak sa braso ni Kid. Mabilis kong binitiwan ang braso niya. Nilingon niya ako sa pagtataka.

"Kid, sorry." Sabi ko at yumuko.

Siguro nga ay tama si Mia. Dapat ay kinausap ko na lang si Rage. Dapat ay hindi ako umalis ng ganon. Nagpadalos dalos ako. Inisip kong hindi niya ako hahanapin dahil nakuha niya na ang gusto niya sa akin. May parte sa aking nangarap na sana nga ay mag hanap siya pero mas malaki ang parteng may alam na hindi niya ito gagawin. Now, I was wrong. Hinanap niya nga ako at heto siya ngayon.

My decision is still the same. Hindi ko kayang pagbigyan ang sarili ko. Hindi nababago ng reaksyon niya ang pananaw ko. May mga takot akong mas malakas pa sa nararamdaman ko para sa kanya. Those fears are deep-rooted and I can't change my system.

"Sunny? Ano?" Tanong ni Kid.

Nag angat ako ng tingin sa kanyang nagugulat na mukha siyag disappointed sa akin. May humila sa kanya galing sa likuran. Nakita ko si Mia doon. Hinawi niya ang kamay ni Mia at nakatingin parin siya sa akin.

"Sunny!" Ani Kid ngunit hinigit ulit siya ni Mia.

"Hayaan na natin ang dalawa." Ani Mia.

"Fuck you! Wa'g mo akong pangunahan!" Sigaw ni Kid kay Mia, nakatingin parin sa akin gamit ang disappointed na mukha. "Sasama ka ulit sa kanya. Anong meron sa inyong dalawa? I thought you were smart?"

"Sabing tayo na, e!" Sigaw ni Mia saka sinapak si Kid sa mukha.

Napahawak si Kid sa mukha niya at nakita kong pumula ito. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin kay Mia. Gulat na gulat ako sa ginawa ng aking kaibigan. Nag taas lang ng kilay si Mia at humalukipkip na nakatingin kay Kid.

"Bigay mo sakin 'yong kita mo ngayon, Sunny." Ani Mia.

"H-Huh?" Gulat kong tanong.

Mabilis siyang lumapit sa akin at kinuha niya ang sling bag ng balikat ko. "Sakin mo na lang kunin ang sweldo mo ngayong gabi. Ako na bahala."

Hindi nakapagsalita si Kid. Tiningnan niya lang si Mia. Umirap si Mia at agad na hinigit si Kid palayo doon. Ni hindi na nakapagsalita si Kid. Nakita ko na lang na binawi niya ang kamay niya kay Mia nang nasa malayo na sila. Nag talo pa ang dalawa.

Halos makalimutan ko si Rage sa harap ko habang tinitingnan ang dalawang nagtalo. Nang humakbang siya palapit sa akin ay napatingin ulit ako sa kanya. Agad akong kinilabutan. May kung ano sa tiyan kong nanggugulo. Hindi ko alam kung paano ko nakayang paalisin si Kid gayong mukhang di ko rin naman pala kayang mag isa kaming dalawa.

Umihip ang hangin sa parking lot ng buong square. Maraming tao at hindi ko alam kung may nakakakilala ba kay Rage sa bawat dumadaan o wala. Basta ang alam ko ay wala siyang nakikita kundi ako.

Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon