Kabanata 38
Steam
Ngumiti ako at nilingon siya. Papalabas kami sa classroom ngayon. Wala ng estudyante. Maaga pa para mag lunch kaya naisipan kong puntahan na lang siguro ang grupo ko para mag pasa na rin ng consolidated output dahil tapos na ang aming report.
"You done for today?" Tanong niya sakin.
"Hmm. Yup. Mag pa-pass na lang ako ng output. Hahanapin ko na lang ang mga kagrupo ko saglit-" Naputol ang pagsasalita ko nang narinig ko ang kanyang cellphone na tumutunog.
Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya. Nakita ko kung paano niya pinatay ang tawag.
"Saan tayo mag lu-lunch?" Tanong niya. "Wanna-" Natigil ulit siya dahil sa pagtunog ng kanyang cellphone.
"Sino ba 'yan? Baka improtante? Sagutin mo." Sabi ko, dinudungaw ang kanyang cellphone.
Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Walang mensahe doon. Syempre si Rage at Mia lang naman ang may number sa akin. Kanina pa ako tinext ni Mia kung papasok ba ako mamaya. Aba, syempre, papasok ako. Hindi naman ibig sabihin na dahil kami ni Rage ay hindi na ako magtatrabaho. Hindi naman trabaho si Rage para isipin kong kikita ako dahil sa kanya.
"Just the office." Aniya.
Tumango ako. "Sagutin mo. Baka importante."
"I'm on vacation." Simangot niya.
Tumikhim ako at tiningnan siyang mabuti. Tumitig rin siya sa akin at kinuha ang kanyang cellphone. Tinalikuran niya ako at sinagot ang tawag. "Hello?"
Pinanood ko kung paano siya pabalik balik na naglakad. Halos hindi ko marinig ang sinasabi niya.
"I'm out. Sabihin mo busy ako. I'm on vacation." Dinig ko sa hininga niya ang pagkakairita. "Bakit ka tumawag?" Pagalit niyang tanong.
Tumingala siya at pumikit. Nang dumilat ay ginawaran niya ako ng tingin.
"Okay. I'll be there." Aniya at agad binaba ang kanyang cellphone.
Nagtaas ako ng kilay bilang pagtatanong.
"Kailangan kong pumunta ng opisina saglit. Nagkaproblema. Secretary ko 'yong tumawag." Nag iwas siya ng tingin, mukhang malalim ang iniisip. "Want to... go home? Don ka na lang sa bahay mag hintay."
Umiling agad ako. "Nagmamadali ka ba? Diretso ka na lang sa office. Dito pa ako, kakausapin ko pa ang groupmates. Matagal ba?"
"Nope. Hindi ako matatagalan."
Inisip kong sumama. Pero naisip ko ring kung gusto niya akong kasama ay kanina niya pa ako niyaya. Siguro ay masyadong hectic at nakakainit ng ulo kaya hindi ako pwede.
"Mabilis lang 'to. Dito ka lang muna? Give me an hour or two?" Nakita ko kung paano umigting ang panga niya.
"Sure. Hihintayin kita dito sa school." Pinanood ko ang balisa niyang ekspresyon.
"Thank you. I'll be back." Sabay halik niya sa aking noo.
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...