Kabanata 31

2.2M 49.2K 18.1K
                                    

Kabanata 31

Sinaktan

Madaling araw pa lang ay umalis na ako kina Auntie Letty. Naisip ko si mama at gusto ko lang siyang makausap ngayon. Alam kong hindi na siya sasagot at ang tanging magagawa ko ay kausapin siya. Kontento na ako sa pakikinig niya. Kontento na akong maramdaman na nandyan siya.

Nilagyan ko ng tatlong rosas ang lapida ni mama at papa. Nag sindi ako ng kandila para sa kanilang dalawa at nag squat doon sa bermuda ng sementeryo.

Ngayong nandito na ako ay hindi na ako makapag salita. Tumitig lang ako sa kanilang dalawa at inisip ko kung ano ang sasabihin nila kung buhay pa sila dito. Bumunot bunot ako ng damo habang naghihintay ng tamang oras sa pagsasalita. Tumitig ako sa lapida ni mama at wala sa sarili kong sinabi ang mga problema ko.

"Ma, ilang beses kitang sinumbatan non na hindi maganda ang umibig sa taong ganon. Mayaman at makapangyarihan. Mas lalo kitang sinumbatan nong nalaman kong may asawa pala 'yong inibig mo."

Nangilid ang luha ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil at least, wala namang asawa si Rage. Kaya lang babaero naman...

"Sorry." Nanginig ang boses ko. "Alam ko na 'yong feeling na alam mo kung ano 'yong tama. Alam mo na mali ang ginagawa mo pero ginagawa mo parin kasi mahal mo 'yong tao."

Humikbi ako at pinunasan ang maiinit kong luha. Pinagdikit ko ang binti ko. Hindi parin napapawi iyong pisikal na sakit na naramdaman ko nang isinuko ko kay Rage ang sarili ko. Mawawala pa kaya 'to? Or will be be forever reminded of that bittersweet night?

"Wala akong karapatang sumbatan ka, nag mahal ka lang naman."

Napangiwi ako sa sinabi ko. My mom is the other woman. Hindi ko lubos ma isip na ngayon ay ginagawan ko siya ng rason para 'don. Hinaplos ko ang lapida ni papa. Kung sana ay hindi siya namatay, sana ay nakilala ko pa siya ng husto at sana ay naalagaan niya si mama.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo na. Mahaba habang araw ito. Mabuti na lang at gumaan ang loob ko ngayong naiyak ko lahat ng nararamdaman ko para kagabi.

Tiningnan ko ang pag sikat ng araw bago ako umalis. Hudyat iyon ng mga bagong araw. Kakalimutan ko na lahat ng nangyari. Kakalimutan ko na si Rage. Kakalimutan ko kahit mahirap. Kailangan kong mag isip para sa aking kinabukasan. Walang mangyayari sa akin kung pipirmi ako at aasa sa isang tao. Kailangan kong umasa sa sarili ko.

"Sa Lunes na po talaga 'yong pasukan?" Tanong ko se registrar ng school.

Tumango siya sa akin nang hindi man lang ako tinitingnan.

Dinungaw ko ang schedule ko na loaded. Paniguradong magiging abala ako ngayon sa school. Tinupi ko ang schedule ko at nilagay sa bag para basahin naman iyong mga librong dapat kong bilhin. Ang bibilhin ko ngayong araw na 'to ay 'yong mga mura. Kailangan kong mag tipid dahil hindi na libre ang titirhan ko at hindi pa ako nakapag duty sa Marlboro Girls kagabi.

Bumusina ang isang malaki at puting sasakyan sa likod ko at halos mapatalon ako nang nakita kong katulad iyon ng sasakyan ni Rage! Namutla ako at na estatwa.

Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon