Kabanata 5

2.4M 58.6K 43.8K
                                    

Kabanata 5

Careful, Sunny

Sigurado akong nagkamali lang si Rage sa sinabi niya. Hindi pwedeng niyayaya niya akong mag lunch ngayon. Empleyado niya ako at walang dahilan na samahan niya ako sa pagkain maliban na lang kung may importante siyang sasabihin sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay nanlulubag siya ng loob dahil itatakwil niya ako ngayon sa trabaho.

"Sit." Utos niya sabay turo sa upuan ng six seater niyang dining table.

Tumugon ako sa kanyang utos. Tanaw sa gilid ang mga naglalakihang building sa labas. Lumunok ako nang umupo siya sa harap ko, nilalagay ang lunch galing sa cart. Hinubad niya kanina ang kanyang longsleeve kaya naka puting v-neck t-shirt na lang siya. Pinanood ko siyang nilalagay ang kutsara at tinidor sa ibabaw ng tissue.

"Uh," Ngumiwi ako, hinintay kong matapos siya sa kanyang ginagawa. "Tatanggalin mo ba ako?"

"Of course not." May lumitaw na ngiti sa kanyang labi.

Kumurba ang kanyang bibig dahil sa pagkakatuwa at hindi ko maiwasan ang pagtitig doon. Pinagsalikop niya ag kanyang mga daliri katulad at tiningnan niya akong mabuti.

"Masyado ba akong masama sa paningin mo?" Nagtaas siya ng kilay.

Gusto ko sana siyang sagutin kaya lang ay natatakot akong mapahamak na naman pag bubuksan ko ang bibig ko kaya nanahimik ako.

"Let's eat?" Aniya sabay tingin sa aming pinggan.

Tumango ako at pinulot ko ang tinidor. Ang laman ng pinggan ay steak, gulay, mais, at kanin. May pineapple juice sa tabi nito at may calamares naman sa harapan namin. Batid kong nanonood siya habang tinutusok ko ang gulay. Gusto ko talagang magtanong kung bakit niya ako sinama ngayon pero natatakot ako.

"So... uh, kumusta ang trabaho?" Kaswal niyang tanong.

Ngumiti ako at nag angat ng tingin. "Okay lang. Mabait ang mga crew. Lalo na si Mia."

"Mia's one of our youngest crew members. Mag dadalawang taon na siya dito." Aniya.

Tumango ako at napatingin sa kanya pagkatapos kong isubo ang gulay. Gutom ako pero hindi ko kayang kumain ng mabuti ngayong nandito siya sa harap ko at nanonood sa akin. "Mabait siya at tingin ko ay matalino." Sabi ko. "Tsaka tinulungan niya pa ako na makapasok don sa mga gig ng Marlboro Girls."

Binitiwan niya ang kanyang tinidor at kutsilyo para uminom ng pineapple juice. Pinanood ko siya at natagpuan niya ang mata ko.

"That's not a very nice job." Aniya.

"Wala akong choice. Kailangan ko ang pera." Sabi ko at nag kunwaring abala sa pag hahati ng steak.

"Well, you have a job here. The benefits are good."

Ngumuso ako. "Oo pero kailangan ko kasing lumipat. Siguro, bedspace o kahit ano. Ayaw kong samantalahin ang kabaitan ninyong patirahin ako dito-"

"You are rendering your services here, hindi naman kita pinapatira ng libre. If that would hurt your ego..." Matigas niyang sinabi.

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin ngunit nang nakita kong medyo umiling siya at humugot ng hininga ay naramdaman ko kaagad na pinagsisihan niya ang sinabi niya sa akin.

Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon