Kabanata 40

2.3M 44.5K 18K
                                    

Kabanata 40

Parents

Bumalik ako sa kwarto at nagkunwaring natutulog. Ilang minuto ang nakalipas ay narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto. Naamoy ko kaagad ang halimuyak ni Rage. Umupo siya sa kama at bumuntong hininga. Hinaplos niya ang aking buhok at ang aking pisngi. Mainit ang kanyang mga kamay at hindi ko kayang hindi dumilat sa kanyang haplos.

"Good morning!" Bati niya sabay halik sa aking noo.

Tiningnan ko ang kumot na ibinalot ko sa aking sarili kanina pagkatapos kong tumakbo patungo dito.

Kanina ko pa iniisip 'yong masasakit na salita na sinabi nong babae sa akin. Tanggap ko na maaaring maraming hahadlang sa amin na kaibigan ni Rage. At tanggap ko rin na maaaring hadlangan kami ng kanyang mommy at daddy. Syempre, ang isang lalaking ganito ka successful ay para lang sa babaeng kasing successful. I'm a flaw on his credentials. I'm that one 'but' in his life.

"Good morning!" Ngiti ko pabalik.

Kung may natutunan man ako, iyon ay ang pagsugal sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Pag iisipan ko ang bawat desisyon at ayokong magpadalos dalos ulit. Hindi lang ang feelings ko ang iisipin ko ngayon, pati na rin kay Rage.

Gusto kong mag tanong kay Rage tungkol kay Ezra pero ayokong malaman niyang narinig ko ang lahat. Kung may problema man, gusto kong siya na mismo ang mag sabi sa akin at hindi niya iyon ililihim.

Pinapanood niya ako habang sumusubo ng kanyang niluluto. Nginiwian ko siya.

"Ano?" Tanong ko.

Umiling siya. “Nothing. I... I just want you to stay. Can you stay for today?”

Nagulat ako sa tanong niya. Wala naman akong plano para sa araw na ito. Panay lang ang text ni Mia sa akin kung kamusta na ako at kung babalik pa ba ako doon. Tingin talaga ng bruhang iyon ay hindi na ako babalik. Hindi ibig sabihin na dahil kami na ni Rage ay dito na ako mamamalagi sa kanya.

“Pero uuwi din ako mamaya. Kailangan kong kumuha ng mga damit tsaka may pasok pa ako bukas.” Sabi ko.

“I can buy you clothes...” Sabi ni Rage ng wala sa sarili.

Tinitigan ko lang siya at alam niya agad ang gusto kong iparating.

“I’m sorry. Okay. Sige, iuuwi kita mamaya.”

Buong araw kaming nanood na lang ng movie sa kanyang kwarto. Narinig ko pa ang tawag sa kanya ng guard o nang kung sinong kasama niya sa kanyang bahay.

“Nandito po si Sir Logan may kasamang babae.” Sabi nong guard sa telepono.

“Okay. Hayaan mo na. Sabihin mo wa’g lang akong istorbohin.” Sabi ni Rage habang hinahaplos ang buhok ko.

“Wala akong panahong mang istorbo sa’yo. Alam ko na, Sunny Sunny Sunny... ‘Yon naman palagi ang bukambibig-” Nanlaki ang mga mata ko sa boses ni Logan sa kabilang linya na agad pinatay ni Rage.

Nilingon ko si Rage ngunit diretso ang mga mata niya sa kanyang TV. Nakapatong ang binti ko sa kanyang binti. Hindi ko mapigilang mapangiti.

Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon