Kabanata 48
Buntis Ako
Nakakalito ang ginawa kong trabaho. Kalahati pa lang ako ngunit inaantok na ako. Humikab ako pagkatapos kong itype ang pang ilan ko ng papel.
Nakaupo ako sa isang abandonadong table dito sa Finance na palapag at kanina pa ako pinapanood ng mga tao dito na parang isa akong misteryo sa kinauupuan ko.
"Bilisan mo dyan, may ibibigay pa daw na pahabol si Rage." Sabi nong head ng finance na si Ms. Mendez.
Tumango ako at pinanood ko siya habang tumataas ang kilay at humahalukipkip sa harap ko. Mainit ang dugo niya sa akin kahit na halos ngayon lang kami nagkita.
Narinig kong bumukas ang pintuan ng buong department. Binalewala ko iyon dahil palagi namang marami pumapasok at lumalabas doon. Nagpatuloy ako sa pagtype nang napagtanto kong tumahimik ang kani kanina'y medyo maingay na palapag.
Binalewala ko 'yon at nagpatuloy sa pag type nang bigla akong may narinig na mga yapak ng matulis na heels malapit sa akin.
Tumingala ako at naaninag ko si Mrs. Del Fierro, naka puti at may malalaking gold na necklace. Tumigil siya sa gilid ng aking mesa at dinungaw niya ako.
"Hindi ko maatim na totoong nandito ka sa kompanya namin." Sabi niya. "And you look exactly like your bitch of a mother. Hindi ko maatim na may mukha na namang tulad niya ang pumapasok sa building na ito."
She called my mother a bitch and she expects to be respected?
"Mrs. Del Fierro, iwan niyo po ako dito kung ayaw niyong maulit ulit 'yong nangyari nong isang araw." Paunang banta ko.
Umiling siya sa akin. "They cheated on me. Your mother and my husband, Sunny. Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko. And she's not going to get away from all of her sins this time. You are gonna pay. My son is making you pay."
Tinikom kong mabuti ang bibig ko. Kinalma ko ang sarili ko dahil ayaw kong magalit. Ngunit habang tumatagal ang presensya niya dito ay mas lalong kumukulo ang dugo ko.
"So don't you ever seduce him again." Pang huling sinabi ni Mrs. Del Fierro bago siya umalis.
Pinanood ko ang dire diretso niyang paglalakad patungo sa pintuan. Narinig ko ang buntong hininga ng mga tao sa buong finance. Pinapanood nila ako ngunit walang ni isang nangahas na lumapit o makipag usap. Naiintindihan ko naman 'yon. Siguro ay pag nakita ng kanilang head na si Ms. Mendez na may kumausap sa akin ay malaki ang posibilidad na pag iinitan lang nila ang empleyadong 'yon.
Naging magulo ang utak ko. Bakit kailangan niya pang bumisita dito? Hindi niya ako kailangang paalalahanan tungkol kay Rage dahil talagang hindi ako lalapit kay Rage. Gaya ng sabi ko, gusto ko lang nong pera para sa anak ko. Iyon lang 'yon.
Sinikop ko ang mga papel para maibalik ko na kay Rage sa taas. Iilang empleyado na ang umuwi sa kanila. Alas syete na rin kasi ng gabi at konti na lang kami ang naroon. Panay ang hikab ko. Gusto kong uminom ng kape pero paulit ulit akong binalaan ni Mia na huwag basta bastang kumain o uminom ng kahit ano. Naaalala ko rin na sinabi niya sa aking hindi ako pwedeng uminom ng kape.
BINABASA MO ANG
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceBata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro s...