Kabanata 34

2.2M 48.4K 27.3K
                                    

Kabanata 34

Dugo

Nagmumukha siyang college guy habang tumatagal. Dalawang linggo na ako sa school at panay parin ang sunod niya sa akin. Tinitigan ko siya habang lumilinga linga sa paligid para hanapin ko. Nag CR ako pagkatapos ng klase, sumunod siya pero nag CR din sa male CR kaya nauna akong lumabas at natakasan ko siya. Alam niya ang mga schedule ko, memorize na niya iyon sa ngayon. Pero walang susunod na klase kaya hindi niya alam ngayon kung saan ako hahanapin.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya. Inisip kong hindi siya tatagal ng isang linggo. Hindi ko siya pinapansin at binabalewala ko rin ang kanyang mga offer. I thought he would stop.

"Ihahatid lang naman kita. I swear to God, di kita kakausapin. If I'll piss you, di kita kakausapin, Sunny! Hatid lang!" 'Yan ang laging linya niya tuwing gusto niyang maihatid ako.

Hindi ako pumapayag. Hindi sa hindi ako naniniwala pero umasa akong tumigil na siya. Na mapagod na siya. Sana mapagod na siya. Dahil napapagod na akong tanggihan siya palagi... lalo na pag kinukurot ang puso ko sa paghahalong awa at pag mamahal.

"Pinagluto kita. I... I don't know what's your favorite food yet..." Nag aalinlangan niyang sinabi.

Tumabang ang pakiramdam ko nang naisip kong hindi pa kami gaanong magkakilala. Ni hindi niya alam kung ano ang paborito kong pagkain. At wala naman talaga akong partikular na paborito. Mahilig lang ako sa matatamis at 'yon lang naman.

"Bibili na ako ng lunch. Di mo na ako kailangang ipagluto." Linya ko araw-araw tuwing may dala siyang pagkain o kahit minsang binibilihan niya ako.

Dahil sa Del Fierro Building, inisip ko noon na sobrang mature niya na at ang hirap niyang abutin. Pero ngayong kasama ko siya sa school palagi, naisip kong hindi nga talaga kalayuan ang edad namin. Bata pa talaga siya para mamahala ng kompanya.

"Sunshine Aragon!" Tawag ng isang kaklase kong may malaking glasses.

Tumango ako at nilapag ang mga libro ko sa kanyang table.

Mas kuntento akong magtrabahong mag isa. Pero dahil kailangan isang grupo kami para sa isang minor ay kinailangan kong makipag kita sa kanila.

Nilingon niya ang likod ko at nang hindi nahanap ang hinahanap ay kumunot ang kanyang noo.

"Oh, asan na 'yong kaibigan mo?" Tanong niya at ngumisi.

"Ewan ko. Umalis." Sabi ko at binuklat ang mga libro sa harapan para makuha na iyong pinag hirapan kong write-up para sa subject na ito. Kailangan niya rawng i-consolidate bago kami mag reporting bukas kaya heto kami at nag uusap usap.

"Ang hirap naman nito, Angelica." Sabi nong isang maputing chinita na kasama din namin.

Nakita ko ang makapal na libro namin sa Accounting. Nag rereview siya para sa quiz namin mamaya. Nakapag review na ako kagabi kaya hindi ko na kailangang mag sunog ng kilay ngayon.

"Unahin muna natin 'tong sa Sociology, Jane. Mamaya na 'yang Accounting!" Iritadong sinabi ng kaklase kong kumukuha sa write-up ko.

Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon