Chapter 2

1.1K 34 78
                                    


R A C H E L

Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya. Iniinternalize ko pa kung tama ba yung narinig ko or what kaya tinignan ko lang siya dahilan para mapakamot siya sa ulo niya, still cute as ever.

"Uhm kako pwede pa naman tayo mag uhm... kape ngayon? I mean..." natawa na lang ako dahil hindi na niya matapos tapos ulit yung sasabihin niya.

"Mama!" rinig kong sigaw ni Mael at yumakap na sa akin.

"Bakit ginabi ka na?" tanong ko.

"Si mama ulyanin, may tryout ng basketball diba." kamot ulo niyang sagot at natawa na lang ako.

"Say hi muna." sabay nguso ko sa gawi ni Mika.

"H-he-hello po." at napayuko naman siya bigla. I know he wanted to hug this cute human being sa harap namin.

"Hi kuya." nabigla kami ni Mael. Ganun niya kasi tawagin si Mael eh.

Mael looked at me, na para bang gulong gulo siya. Sabagay normal lang naman siguro tawaging kuya si Mael. Binulungan ko muna siya na pumasok na muna at ginulo ang buhok niya.

"Ahh eh.. Ano Queeny..."

"Sige na Kaye. Next time na lang tayo magkape pag kaya mo na akong yayain ulit." pang-aasar ko dito dahilan para mamula ang pisngi niya.

"Ah eh ano... sige... Text mo na lang ako pag ano... pag hinanap ulit ako ni Rika."

I nodded at sinara na ulit ang gate. As much as I wanted to kiss her goodbye ay hindi ko ginawa. Baka sabihin niya type ko siya, mahiya siya sa balat niya aba hahaha. Kaya hindi ko rin pinaunlakan ang imbitasyon niyang magkape ay dahil baka isipin niyang easy to get ako, suntukin ko pa siya.

"Ma, naaalala na ba tayo ni Mimi?" bungad sa akin ni Mael nang makapasok ako.

"Hindi nak, Rika was looking for her kaya sinubukan ko siyang yayain." sagot ko dahilan para kumunot ang noo nito.

"Bakit si Rika nakabonding si Mimi? Miss ko na din naman siya ah!" pagmamaktol niya kaya natawa ako at tinabihan siya sa sofa.

"May mga bagay pang magulo Mael. Hindi natin pwedeng ipilit kay Mimi. Don't worry anak, I'll bring her home." saad ko saka ginulo ang buhok niya.

"Miss na miss ko na si Mimi." wika niya.

"I'm sure na makakasama natin siya ulit." nakangiti kong sambit sa kanya bago siya pinag-aral sa kwarto niya.

Nahiga na din ako sa kwarto namin ni Mika at agad kong niyakap ang unan niyang may jersey niya. I badly want to hug her, kiss her, take her clothes off and *ehem* pagnasaan *ehem*.

Agad naman akong napailing at tinuktukan ang sarili ko dahil kung ano ano nanamang kahalayan ang naiisip ko. I miss touching her abs na feeling ko ABSent na.

Miss na miss ko na ang asawa ko.

*****

K A Y E

Nasa jeep na ako nang marealize ko ang ginawa ko kaya agad kong nasabunutan ang sarili ko.

Why did I even tried to invite her out? May anak na siya for pete's sake! Baka pag nalaman pa ng asawa niya ay masuntok ako at isa pa may girlfriend ka Kaye. Argh!

Beauty's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon