Chapter 3

1K 37 38
                                    


K AY E

Muli akong naghanap ng trabaho, mailap ang trabaho sa akin dahil pag tinanong ako ng things about accountancy ay wala akong maisagot, para bang nabablanko ang utak ko.

I happened to pass by sa isang coffee shop kaya umorder muna ako. Di ko alam kung nagkape yung cashier kasi parang nakakita siya ng multo sa gulat nang makita ako. Hindi ko na pinansin iyon at agad na lang din umorder saka naupo sa sulok. Masarap ang cake nila at pati yung timpla ng kape.

Tumunog ang chime, meaning may pumasok, agad naman akong napatingin sa may pinto only to see an angel. Her hair was messy, she was wearing a glass, ang ho--

What the fck Kaye! singhal ko sa utak ko dahil nagkakasala ako.

She looked my way kaya nagkatitigan kami. Seriously, wala ata ni isa sa amin ang gustong mag iwas ng tingin, wala din namang gusto lumapit, wala din atang gustong bumati.

"Good morning mam." bati ng isang crew sa kanya.

"Good morning din Len, can you brew me a coffee? Pakidala na lang din sa table na iyon." sabay turo niya kung saan ako nakaupo. Hala ka, bigla naman akong nagpalpitate.

She slowly walked my way, she brushed her hair up. I bit my lower lip, mukha talaga siyang dyosa.

"Hi." nakangiti niyang sambit.

"H-hello Q-queeny." damn.

"What are you doing here?" tanong niya.

"Napadaan lang ako, naghahanap ako ng trabaho eh." sagot ko.

"I see. Patingin nga ng resumé mo."

Inabot ko naman sa kanya ang resumé ko, bakit? May alam ba siyang pwede pagtrabahu-han ko?

"BS Accountancy? Board passer ka ba?" tanong niya.

"I took once and failed, kahiya haha." kamot batok kong saad.

"Nah, it's okay. If you want pwede kita ilagay sa audit ng shops namin, may 3 branch na din ito, pero within Manila pa lang din naman." nakangiti niyang sambit.

"Ha? Ikaw may ari nito?"

She nodded at tumawa ng bahagya. Sobrang cute niya jusko. Kung tatanggapin ko yung trabaho, makakasama ko siya palagi... I mean, lagot ako kay Gale sa mga naiisip ko eh.

"So, ano? Gusto mo?" tanong niya.

"Wala nang interview?" kabado kasi ako sa mga ganoong bagay.

"Wala na. I think madali ka lang din naman turuan eh tsaka pa-thank you ko na din sa pagkakahanap mo kay Rika sa mall saka sa pagsama kahapon." sabi niya.

"Thank you, maraming thank you." kinuha ko naman ang kamay niya at nakipagshake hands pero iba ang nangyari, instead na shake hands, na shookt ang hands ko sa kuryenteng naramdaman ko nang magtama ang palad namin.

Muling tumunog ang chime at napatingin nanaman ako sa gawing iyon. I can't believe she's here!

"Jovs?! Buddy!" sigaw ko at nagtatatakbo sa gawi niya.

"Mi-- Kylie." sabi niya at agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Kamusta ka? Long time no see."

"Okay lang ako, ikaw ba?" tanong nito pabalik.

"Jovs, napadaan ka?" tanong ni queeny kaya nagbalik ako nang tingin kay Jovelyn tapos kay Queeny tapos kay Jovs ulit.

Beauty's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon