R A C H ELNang umalis si Jovs ay naging awkward na ang paligid. Wala ni isa sa amin ni Mika ang gustong magsalita. Walang ingay maliban sa pinagtatype niya sa keyboard at parang galit pa siya kung pindutin ang mga ito.
"Kaye, baka masira mo yang keyboard niyan." pagsita ko sa kanya.
"Sorry."
Yun lang ang naging usapan namin maghapon. Kung may itatanong ako oo at hindi lang ang isasagot niya; I mean pagtango at pag-iling lang ang ginagawa niya.
Nagtext naman si manang na inaapoy ng lagnat si Rika at hinahanap ang Mimi niya. Shit naman sa wrong timing diba? Wala sa mood sa Mika kaya paano ko yayayain ang taong to.
Mael ❤️ calling . . .
"Hello nak kamusta si Rika?" nag-aalala kong tanong.
"Mataas pa din lagnat niya ma, uuwi na po ba kayo? Saka hanap niya si Mimi."
"Uuwi na din ako nak, wala na bang cool fever dyan? Kung wala lagyan niyo muna ng basang towel."
"Sige ma, kung madadala niyo si Mimi dito mas maganda. Ingat po kayo. Love you."
"Love you too kuya."
Napabuntong hininga na lang ako at nag-ayos na ng lamesa, sinimulan ko na din ilagay sa bag ko ang aking mga gamit.
"Anong nangyari kay Rika?" tanong ni Mika.
"Inaapoy ng lagnat kaya uuwi na ako. Ilock mo na lang yung office pagkatapos mo." sagot ko ng hindi siya tinatapunan nang tingin.
"Queeny." pagtawag niya nang nasa may pinto na ako. "Pwede bang sumama? Kasi ano.. uhm diba habol na ninang na ako nung bata? Ahh, nag aalala lang ako." wika niya.
"Sige sumunod ka na lang sa kotse."
Mabilis kong tinungo ang kotse ko at pinaandar na din ito, umalis na din ako sa pinagparking-an ko para deretso na kami ni Mika pagsakay nito.
Nang makarating kami sa bahay ay pinabayaan ko na ang mga gamit ko sa kotse at ipapakuha ko na lang kay manang. Dali dali akong nagmadali papunta sa kwarto nila at agad kong chineck ang temperature ni Rika.
"Mimi."
"Princess mama is here na okay? Shh." I kissed her forehead at kinuha yung bimpo sa tabi para pahiran siya.
"Asan na yung asawa mo pag kailangan siya ng mga anak mo?" tanong ni Mika habang nakasandal sa may pintuan.
"Kaye, I don't want to argue please lang." sabi ko.
"Kumain ka na muna. Ako ng bahala." she tapped my shoulder and smiled at me. "Hi baby, pagaling ka na, ipapasyal kita." malambing niyang sabi sa anak namin.
"Mimi."
"Yep baby, mimi is here. Kakain ka tapos iinom ka medicine ha?"
Rika smiled weakly kaya kumuha na din ako ng soup na niluto ni manang.
"Ma, dito ba matutulog si mimi?" tanong ni Mael habang kumakain.
"Hindi ko alam anak, pero dun na kayo sa kwarto namin matulog para hindi na kayo maistorbo ni Rika."
"Okay po. Tawagin niyo na lang po ako kung may iuutos kayo." he smiled so I nodded.
Nagbalik na ako sa kwarto ni Rika at nakita kong nakahiga na si Mika at nakaunan sa braso niya si Rika habang nakayakap.

BINABASA MO ANG
Beauty's Knight
Fiksi Penggemar© 2017 - I'm taking back what is rightfully mine - Beauty || Book 2 of Beauty and the Knight ☺️ [Completed]