Chapter 28

894 32 60
                                    


R A C H E L

I was lying in my bed, hugging her pillow. It sucks that her scent lingers in this room. I missed her. It's been a week since we got the result.

"Ma?" wika ni Mael after niya kumatok.

"Bukas yan nak." sagot ko at naupo naman.

"Ma nasan si Mimi?"

"Wala nak." sagot ko.

"Ma, maloloko mo mga kapatid ko pero hindi ako." wika niya at naupo sa tabi ko.

Why does this young kid have to overthink? Nung bata ako problema ko lang ay yung mga crush ko.

I sighed.

"Kasi ganito yun anak, yung kasama natin dito, hindi siya si Mika." sabi ko at halos malukot na ang mukha niya.

"Ha? Ano ma?"

"Siya si Kaye, nagkamali si mama." ngumiti ako ng pilit pero muli naman akong napaluha kaya agad akong yumakap sa anak ko.

Ang sakit, paano ako magkakamali diba? Sa aming lahat, ako dapat ang pinakanakakakilala kay Mika.

"Ma, paano naman nangyari yun? Kamukhang kamukha niya si Mimi saka ano diba nakalimutan niya lang tayo?" naguguluhan niyang tanong kaya hinarap ko siyang muli.

"Kamukha lang siya ng Mimi mo, wag kang mag-alala, nakita naman na namin yung totoong Mika." may himig ng pait kong tugon.

"Nasaan po siya?"

"Pupunta na siya dito mamaya kaya magpakabait kayo sa Mimi niyo ha? Wag niyong i-stressin." nakangiti kong sabi.

Tinignan naman niya ako sa mata na may lungkot at pinahiran ang luha ko.

"Ma, bakit ka umiiyak? Hindi ba dapat matuwa ka na nakita na natin yung totoong Mimi?"

"Kasi anak, nagmahal ako ng iba maliban kay Mimi mo. Oo kamukha niya, nakita ko si Mika sa kanya pero mali pa rin. Hindi ko na alam paano aahon ngayon."

"Ma, hindi ko man maintindihan yung nararamdaman niyo pero ayokong makitang umiiyak ang kahit sino sa inyo. Sabi ni Mi-- tita Kaye sa akin, the only moment we let our love ones cry is when it is a product of joy." he smiled at me.

"I'll try anak." sagot ko at ginulo ang buhok niya.

"Luto ka naman pancakes ma." sabi niya kaya naman tumayo na kami at nagtungo sa may kusina.

Sinalubong naman ako ng dalawang batang makulit habang si Rika ay nakaupo sa may dining habang pinapanood ang yaya nila maglinis.

"Good morning mam." bati sa akin ng isa sa kanila.

"Pakilabas naman nang panggawa ng pancakes." wika ko at binaba na muna sa upuan si Michel.

"Pancakes? Yey!" masigasig na sabi ni Rika. She really does resemble her mimi alot pag dating sa ugali. Food is life.

Sinimulan ko nang magluto at kada tapos ko ay kinukuha nila agad at nilalantakan. Kamusta naman yun diba? Pinigilan naman din sila ni Mael pero nagtatatakbo pa din sila at sinusubukan kumuha ng pancakes.

Napangiti na lang ako, I have my kids and I should focus on them at hindi sa nararamdaman ko.

After ko magluto ay nilagay ko na ito sa lamesa st si Rika gustong maupo sa kandungan ko kaya binuhat ko siya at pinakain na din.

"Nak, ang bigat mo na kain ka pa din nang kain." wika ko at nagpout naman siya.

"Joke lang princess." sabay halik ko sa pisngi niya.

Beauty's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon