Chapter 36

1.2K 34 41
                                    


M I K A

Nagising naman ako sa mumunting halik na naramdaman ko sa pisngi ko. Pag mulat naman ng mga mata ko ay agad kong nasilayan ang mga babies ko dahilan para mapangiti ako.

"Happy Birthday Mimi!" wika ng mga batang makukulit.

"Thank you." wika ko at humalik sa noo nila.

Bumangon naman ako binuhat na ang kambal habang yakap yakap naman ni Rika ang binti ko. Nagtungo na kami sa kusina at doon nakita naming nagluluto ang mama nila.

She smiled at me, Ah I love my life. Napangiti na lang ako at binaba na ang dalawang batang karga ko.


"Ang aga mo naman nagising?" tanong niya.

"Binulabog ako ng mga anak mo." natatawa kong sagot sa misis ko at yumakap mula sa likod niya.

"Ma, punta muna kami sa swimming pool ha." sabi ni Mael.

"Sige anak." sagot ni Rad at patuloy na nagluluto.

"Ang bango naman niyan, pero mas mabango ka pa din." sabi ko at humalik sa leeg niya.

"Aga aga pa Mika ha." sagot niya at tinuktok yung sandok sa akin.

"Aray. Iwan mo na kay manang yan, ligo na din tayo." wika ko at nginitian siya.

Ofcourse, she wasn't able to resist my sexy smile kaya nagpaalam na magpapalit muna siya. Sumunod na ako sa mga bata at nakipaglaro sa kanila, nasa may hagdan lang sila ng pool since hindi pa nila abot iyon.


"Mimi!" sabi ni Michel at nagpabuhat.

"Kuya ako din!" sabi ni Rika pero inasar lang siya ng kuya niya kaya nag-away nanaman sila.

Napailing na lang ako.

Maya maya ay lumabas naman ang dyosang itinakwil sa langit na naka cream colored one piece. Napalunok na lang ako sa nakita at nag-iwas nang tingin.

Jusko, hindi naman tirik ang araw, malamig naman ang tubig pero parang ang init.

"Hey, I wore this for you. Tumigin ka naman." mapang-asar niyang sabi pero umiling ako.

"Ayoko. Bakit ka nang-aakit? Ang aga aga Rad ha." wika ko kaya nabatukan ako.

"Mama! Sakay." sabi ni Ryco kaya kinuha siya ni Rad at nag tungo na kami sa may 5 ft banda.

"Mimi, swim tayo." pagyaya ni Michel na hindi naman marunong lumangoy.

"Kuya, punta ka kay yaya. Hingin mo salbabida nila." sabi ko.

Nang maibigay na ang salbabida nila ay nagkaroon na din kami ng lone time dito sa edge ng pool. Parehas lang kami nakatingin sa mga bata.

"Anong oras sila pupunta?" tanong ko at sumandal naman siya sa akin.

"Dinner time pa daw so may time pa ako para masolo ka." sabay halik niya sa pisngi ko at ngumiti ng nakakaloko.

"Babe tama na, pagod na ako." natatawa kong reklamo.

"Kaya pala hindi mo ako pinatulog kagabi ano? Tignan mo nga yung eyebugs ko!"

"Ikaw naman ang nauna!" sagot ko at kinurot naman niya ang tagiliran ko, napaka-mapanakit.

Matagal na din since huli kaming nakabalita ng kung ano tungkol kay Gale. Mabuti na din yun at nang matahimik naman ang buhay namin.

"Kamusta na kaya yung nagpanggap na ikaw noh?" tanong bigla ni Rad kaya pinaningkitan ko siya ng mata.

Beauty's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon