Chapter 19

1.1K 41 57
                                    


K A Y E

"Kaye!" sigaw ni Eli at kwinelyuhan ako pagkapasok na pagkapasok niya.

"Els." wika ko.

"Tangina ka! Anong ginawa mo kay Gale?!" inis na inis niyang sabi.

"I left her."

"Hayop ka! Napakalandi mo!" saka niya ako sinuntok.

Anak ng, nasampal na, nasuntok pa. Ang sakit pa ng puso ko ha.

"Ano bang gusto mo? Magstay ako kahit hindi ko na mahal?!" tanong ko habang pinupunasan ang pumutok kong labi.

"Ang landi mo kasi!" natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Di ako lumandi. Naramdaman ko na lang na ganun kahit wala siyang ginawa, siguro ang mali ko eh hinayaan ko lang kahit unti unti akong nahuhulog, hindi ako umalis agad. Akala ko kasi wala lang yun, pero parang cancer eh, ang bilis lumala."

"Naririnig mo ba yung sarili mo?" tanong niya kaya nginitian ko na lang siya.

"Have you ever feel na hindi mo kayang mawala siya? Na kahit anong alis mo babalik at babalik ka pa rin sa kanya? Mababaliw ako pag nawala sakin si Rad, ganun kalakas ang tama ko sa babaeng yun."

"5 years Kaye, sasayangin mo yung 5 years dahil lang dun?!"

Kita ko yung frustration sa mukha niya, She was our go-to person pag may di kami napagkakaintindihan, I know where she's somehow coming.

"Els, she's the girl of my dreams., literally. Akala ko mali lang ako nang naisip noon na parang nakita ko na siya but no. She really is that girl, that girl who I kept on following. Yung babaeng kahit anong bilis ko sa pagtakbo hindi ko maabutan. Hindi ko alam Eli, ngayon abot kamay ko na siya, hindi ko na bibitawan."

"Makasarili ka."

"Alam ko, kaligayahan ko lang iniisip ko pero mas magkakasakitan kami ni Gale kung patatagalin ko pa to. Madaling sabihin na mas pipiliin mo yung matagal na, pero kung makikilala mo kung anong klaseng tao si Rad maiintindihan mo ako. She's worth the risk, she's worth choosing."

"Lumayas ka na dito." she plainly said.

Naiintindihan ko ang desisyon niya kaya nagbalot balot na ako ng gamit, actually damit lang naman ang mga dala ko. I bid my goodbye at nagpasalamat na din sa lahat.

*****

J O V S

"Pangga!" bati ni Greta pagkauwi ko kaya agad akong napahawak sa dibdib ko, hindi ko kasi alam na nandito siya.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin na wag mo akong gulatin?" tanong ko sa kanya pero ngumiti lang ang bruha.

"Napakasungit mo, meron ka ba?" natatawa niyang tanong kaya nawala nanaman ang mata niya.

"Walaaaaaa! Napakacute mo!" sagot ko at pinanggigilan ang pisngi niya.

"Buhat mo ko." wika niya.

"Yoko nga, ang bigat bigat mo na eh." pag angal ko kaya kinurot niya ako sa tagiliran ng pino.

Para walang away ay pinasan ko na siya at nagtungo sa kusina since may binili daw siyang food for us. Maigi na din dahil hindi naman ako nagluto kaninang umaga.

Beauty's KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon